+ -

عن أبي مسعود عقبة بن عمرو الأنصاري البدري رضي الله عنه قال: لما نزلت آية الصدقة كنَّا نُحَامِلُ على ظُهُورِنَا، فجاء رجل فتصدق بشيء كثير، فقالوا: مُراءٍ، وجاء رجل آخر فتصدق بصاع، فقالوا: إن الله لَغَنيٌّ عن صاع هذا!؛ فنزلت: (الذين يلمزون المطوعين من المؤمنين في الصدقات والذين لا يجدون إلا جهدهم).
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Ibn Mas`ud `Uqbah bin `Amr Al-`Ansariy Al-Badriy-malugod si Allah sa kanya- siya ay nagsabi: Nang ibinaba sa amin ang talata ng Pagkakawang-gawa,Kami ay nagbubuhat sa mga likod namin [ng mga kawang-gawa],Dumating ang isang lalaki,at nagkawanggawa ng maraming bagay,Nagsabi sila:Pakitang-tao,At dumating ang ibang lalaki,at nagkawanggawa ng malapit sa Tatlong kilo,Ang sabi nila:Katotohanang si Allah ay malayo sa anumang pangangailangan mula sa tatlong kilo na ito! Ipinahayag;[ ang talatang] :{Sila na [mga Munafiq o Mapagkunwari] na pumupuna sa mga nagbibigay[ ng kusang-loob sa kapakan ni Allah] mula sa lipon ng mga sumasampalataya tungkol sa mga kawang-gawa,at pumupuna sa kanila na hindi nakahanap ng anuman [upang gugulin sa kawanggawa sa kapakanan ni Allah],maliban lamang sa kanilang sariling pagpupunyagi} [Attawbah:79}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Nagsabi si Abu Mas`ud malugod si Allah sa kanya-Nang maibaba ang talata ng Pagkakawanggawa,Ibig sabihin ay ang Talata ,kung saan ay napapaloob rito ang Paghihimuk sa pagkakawanggawa.Nagsabi si Al-Hafiz: Para bang itinuturo niya ang Sinabi ni Allah-Pagkataas-taas Niya: {Kumuha ka [O Muhammad] ng Kawanggawa mula sa kanilang kayamanan upang sila ay mapadalisay nito.at ito ay lalo pang mag-ibayo} Talata ng [Attawbah:103],Hinubog niya ang mga kasamahan ng Propeta-malugod si Allah sa kanila-na mag-unahan at magpaligsahan sa paggugol ng Kawanggawa sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,Ang bawat isa ay nagbubuhat sa abot ng kanyang makakaya mula sa Kawanggawa para sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-.Dumating ang isang lalaki na may dalang napakaraming Kawanggawa;Nagsabi sila: Ito ay pakitang-tao,Hindi niya layunin rito ang Kaluguran ni Allah,At kapag dumating ang isang lalaki na may dala-dalang kaunting Kawanggawa,Nagsasabi sila na:Katotohanang si Allah ay malayo sa anumang pangangailangan mula rito, At dumating ang isang lalaki na may dala-dalang tatlong kilong [Kawanggawa],Nagsabi sila:Katotohanang si Allah ay malayo sa anumang pangangailangan mula sa tatlong kilong [Kawanggawa] na ito. Ibinaba ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-:{Sila na [mga Munafiq o Mapagkunwari] na pumupuna sa mga nagbibigay [ng kusang-loob sa kapakan ni Allah] mula sa lipon ng mga sumasampalataya tungkol sa mga kawang-gawa,at pumupuna sa kanila na hindi nakahanap ng anuman [upang gugulin sa kawanggawa sa kapakanan ni Allah],maliban lamang sa kanilang sariling pagpupunyagi} [Attawbah:79} Ibig sabihin ay: Pinipintasan nila ang mga Kusang-loob na nagkakawang-gawa at sila yaong hindi nakahanap [upang gugulin sa pagkakawanggawa] maliban sa sarili nilang pagpupunyag, Silang [mga Mapagkuwari] ay pumupuna sa kanila,at sa kanila, {Kaya`t sila ay kanilang tinutuya [Mga mananampalataya], Si Allah ang manunuya sa kanila,at sila ay magtatamo ng kasakit-sakit na kaparusahan},Sila ay nagtutuya sa mga mananampalataya,Kaya`t si Allah ay manunuya sa kanila,Ang Pagpapakupkop ay sa Allah.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan