+ -

عن عائشة - رضي الله عنها- أنها قالت للنبي - صلى الله عليه وسلم - : هل أتى عليك يوم كان أشد من يوم أُحُدٍ ؟ قال: «لقد لقيت من قومك، وكان أشد ما لقيت منهم يوم العقبة، إذ عرضت نفسي على ابن عبد يَالِيلَ بْنِ عَبْدِ كُلَالٍ، فلم يجبني إلى ما أردت، فانطلقت وأنا مهموم على وجهي، فلم أستفق إلا وأنا بِقَرْنِ الثَّعَالِبِ، فرفعت رأسي، وإذا أنا بسحابة قد أظلتني، فنظرت فإذا فيها جبريل - عليه السلام - فناداني، فقال: إن الله تعالى قد سمع قول قومك لك، وما ردوا عليك، وقد بعث إليك ملك الجبال لتأمره بما شئت فيهم. فناداني ملك الجبال، فسلم علي، ثم قال: يا محمد إن الله قد سمع قول قومك لك، وأنا ملك الجبال، وقد بعثني ربي إليك لتأمرني بأمرك، فما شئت، إن شئت أطبقت عليهم الْأَخْشَبَيْنِ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya, siya ay nagsabi sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "May dumating ba sa iyong araw na higit na matindi sa araw ng Uḥud?" Nagsabi siya: "Talagang nakatagpo ako mula sa lipi mo ng [hirap na] nakatagpo ko. Ito ay pinakamatindi sa [hirap na] nakatagpo ko mula sa kanila sa Araw ng `Aqabah nang iniharap ko ang sarili ko kay Ibnu `Abdi Yālīl ibni `Abdi Kulāl ngunit hindi niya ako tinugon sa ninais ko kaya umalis ako habang ako ay nalulumbay sa kinahaharap ko. Hindi ko namalayang ako ay nasa Qarn Ath-Tha`ālib na. Inangat ko ang ulo ko at ako pala ay nasa ilalim ng ulap na lumilim sa akin. Tumingin ako at naroon si Jibrīl, sumakanya ang pangangalaga, at tinawag niya ako at nagsabi: 'Tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay nakarinig nga sa sabi ng lipi mo sa iyo at itinugon nila sa iyo. Ipinadala nga niya sa iyo ang anghel ng mga bundok upang utusan mo ng anumang niloob mo para sa kanila.' Tinawag ako ng anghel ng mga bundok at bumati ito sa akin. Pagkatapos ay nagsabi ito: 'O Muḥammad, tunay na si Allāh ay nakarinig nga sa sabi ng kalipi mo sa iyo. Ako ang anghel ng mga bundok. Ipinadala nga ako ng Panginoon ko sa iyo upang utusan mo ako ng utos mo at anumang loobin mo. Kung niloob mo, itataklob ko sa kanila ang Akhshabān.'"
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya, noong nagtanong ito sa kanya: "May dumating ba sa iyong araw na higit na matindi kaysa sa araw ng Uḥud?" Nagsabi siya ng oo at binanggit niya rito ang kuwento ng pagpunta niya sa Ṭā’if dahil siya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, noong inanyayahan niya ang Quraysh sa Makkah at hindi sila tumugon sa kanya, ay pumunta sa Ṭā’if upang iparating ang salita ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Inanyayahan niya sa Islām ang mga mamamayan ng Ṭā’if subalit sila ay nagpalungkot sa kanya higit sa mga mamamayan ng Makkah. Sinimulan nilang maghagis sa kanya ng mga bato. Pinagbabato nila siya hanggang sa napadugo nila ang bukung-bukong niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Iniharap niya ang sarili kay Ibnu `Abdi Yālīl ibni `Abdi Kulāl na kabilang sa malalaking tao ng mga mamamayan ng Ṭā’if mula sa Thaqīf ngunit hindi siya tinugon nito sa ninais niya kaya umalis siyang namamanglaw at nalulumbay. Hindi pa siya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, nakapansin malibang siya ay nasa isang lugar na tinatawag na Qarn Ath-Tha`ālib. Nililiman siya ng isang ulap. Inangat niya ang ulo niya at nasa ulap na ito pala si Jibrīl, sumakanya ang pangangalaga, at nagsabi sa kanya: "Ito ay anghel ng mga bundok, na bibigkas sa iyo ng pagbati." Bumati ito sa kanya at nagsabi: "Tunay na ang Panginoon ko ay nagpadala sa akin sa iyo kaya kung niloob mong itaklob ko sa kanila ang dalawang bundok, gagawin ko. Subalit ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, dahil sa pagtitimpi niya, lawak ng pananaw niya, at hinahon niya sa usapin ay nagsabi ng huwag dahil kung sakaling itinaklob sa kanila ang dalawang bundok, malilipol sila. Nagsabi siya: "Huwag, at tunay na ako ay talagang umaasang magpapaluwal si Allāh mula sa mga supling nila ng sasamba kay Allāh, tanging sa Kanya, at hindi magtatambal sa Kanya ng anuman." Ito ang nangyari sapagkat tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay nagpaluwal mula sa mga supling nitong mga Mushrik na nanakit sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng sukdulang pananakit na ito ng mga sumasamba kay Allāh, tanging sa Kanya, at hindi magtatambal sa Kanya ng anuman.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish
Paglalahad ng mga salin