عن أسامة بن زيد رضي الله عنهما قال: رُفع إلى رسول الله - صلى الله عليه وسلم - ابن ابنته وهو في الموت، ففاضت عينا رسول الله صلى الله عليه وسلم فقال له سعد: ما هذا يا رسول الله؟! قال: «هذه رحمة جعلها الله تعالى في قلوب عباده، وإنما يرحم الله من عباده الرحماء».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Usāmah bin Yazīd, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ihinarap sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang lalaking anak ng babaing anak niya samantalang ito ay naghihingalo. Lumuha ang mga mata ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kaya nagsabi sa kanya si Sa`d: Ano ito, o Sugo ni Allah? Nagsabi siya: Ito ay isang awa na inilagay ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa mga puso ng mga lingkod Niya. Naaawa lamang si Allah sa mga lingkod Niyang maaawain."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Nagpabatid si Usāmah bin Zayd na tinatagurian noon na mahal ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Binanggit nito na ang isa sa mga babaing anak ng Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagpadala sa kanya ng isang taong magsasabi sa kanya na ang lalaking anak ng babaing anak ay naghihingalo na at na iyon ay humihiling sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na pumunta. Dumating ang ipinadala sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, rito na sabihin doon na magtiis at umasa sa gantimpala ni Allah sapagkat kay Allah ang kinuha Niya at Kanya ang ibinigay Niya. Ang bawat bagay sa Kanya ay may takdang taning. Inutusan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang ipinadala ng babaing anak niya na sabihin sa babaing anak niya, ang ina ng batang ito, ang mga salitang ito: Tunay na kay Allah ang kinuha Niya at Kanya ang ibinigay Niya. Ang pangungusap na ito ay dakila. Kapag ang lahat ng bagay ay kay Allah, kung kumuha Siya mula sa iyo ng anuman, iyon ay pag-aari Niya; at kung binigyan ka Niya ng anuman, iyon ay pag-aari niya. Kaya papaano kang magngingitngit kapag kinuha Niya mula sa iyo ang minamay-ari Niya mismo? Dahil dito itinuturing na sunnah para sa tao, kapag dinapuan siya ng isang kasawian, na magsabi: Innā lillāhi wa innā ilayhi rāji`ūn (Tunay na tayo ay kay Allah at tunay na tayo ay sa Kanya magsisibalik). Ibig sabihin: Tayo ay pag-aari ni Allah; ginagawa Niya sa atin ang anumang niloloob Niya. Gayon din, ang minamahal natin, kapag kinuha Niya sa harapan natin, ito ay Kanya, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Kanya ang kinuha Niya at Kanya ang ibinigay Niya, pati na ang ibinigay sa iyo mismo ay hindi mo minamay-ari iyon; iyon ay kay Allah. Dahil dito, hindi maaaring tratuhin ang ibinigay sa iyo ni Allah malibang sa paraang ipinahintulot sa iyo iyon. Ito ay patunay na ang pag-aari natin ay dahil sa ibinigay sa atin ni Allah. Ang sabi niya na "may takdang taning" ay nangangahulugang "may tiniyak na taning." Kapag nagkaroon ka ng katiyakan dito na tunay na kay Allah ang kinuha Niya at sa Kanya ang ibinigay Niya at bawat bagay sa Kanya ay may takdang taning, makukumbinsi ka. Ang huling pangungusap na ito ay nangangahulugang ang tao ay hindi maaaring magpabago sa naitakdang tinaningan: hindi maipapauna at hindi maipahuhuli, gaya ng sinabi ni Allah: "Bawat kalipunan ay may taning; kapag dumating na ang taning nila, hindi sila makapagpapahuli ng isang saglit at hindi sila makapagpapauna." (Qur'an 10:49) Kaya walang pakinabang sa pagkabahala at pagngingitngit dahil kung nabahala ka man o nagngitngit ka, walang mababagong anuman mula sa itinakda. Pagkatapos, tunay na ang Sugo ay nagparating sa babaing anak niya ng ipinag-utos niyang iparating doon, ngunit nagpasugo iyon sa kanya dahil hinihiling niyon na pumunta siya. Tumindig ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, siya at isang pangkat ng mga kasamahan niya. Dumating siya sa anak niya at inangat niyon sa kanya ang bata habang ang hininga nito ay gumagaralgal, tumataas at bumababa. Naiyak ang Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at lumuha ang mga mata niya kaya nagsabi si Sa`d bin `Ubādah, kasama niya ito, at ito ay pinuno ng liping Khazraj: Ano ito? Inakala niya na ang Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay umiiyak dahil sa pagkabahala kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Ito ay awa. Ibig sabihin: Umiyak ako dahil sa awa sa bata hindi dahil sa pagkabahala sa itinakda. Pagkatapos ay nagsabi siya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Naaawa lamang si Allah sa mga lingkod Niyang maaawain." Dito ay may patunay sa pagpapahintulot sa pag-iyak dahil sa awa sa nasawi.