+ -

عن المعرور بن سويد، قال: رأيت أبا ذر رضي الله عنه وعليه حلة وعلى غلامه مثلها، فسألته عن ذلك، فذكر أنه قد سابَّ رجلا ًعلى عهد رسول الله صلى الله عليه وسلم فَعَيَّره بأمه، فقال النبي صلى الله عليه وسلم : «إنك امْرُؤٌ فيك جاهلية هم إِخْوَانُكُمْ وخَوَلُكُمْ جعلهم الله تحت أيديكم، فمن كان أخوه تحت يده، فليُطعمه مما يأكل، وليُلْبِسْهُ مما يلبس، ولا تُكَلِّفُوهُمْ مَا يَغْلِبُهُمْ، فَإِنْ كَلَّفْتُمُوهُمْ فَأَعِينُوهُمْ ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Al-Ma`rūr bin Suwayd na nagsabi: Nakita ko si Abū Dharr, malugod si Allāh sa kanya, habang nakasuot siya ng kapa at nakasuot ang alipin niya ng tulad niyon. Tinanong ko siya tungkol doon at binanggit niya na siya ay nanlait ng isang lalaki sa panahon ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Inalipusta niya ito dahil sa ina nito kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na ikaw ay taong sa iyo ay may Panahon pa ng Kamangmangan. Sila ay mga kapatid ninyo at mga alipin ninyo. Inilagay sila ni Allāh sa ilalim ng mga kamay ninyo. Kaya ang sinumang ang kapatid niya ay nasa ilalim ng kamay niya, pakainin niya ito mula sa kinakain niya at padamitan niya ito mula sa dinadamit niya. Huwag kayong mag-atang sa kanila ng makabibigat sa kanila at kung inatangan ninyo sila niyon, tulungan ninyo sila."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Nasaad sa ḥadīth na ito ang paghimok sa pakikitungo sa mga alipin nang magandang pakikitungo lalo na sa kasuutan at pagkain nila. Hindi sila aatangan ng higit sa kakayahan nila malibang aalalayan sila sa iniatang na ito. Nasaad dito ang matinding banta sa sinumang umaalipusta sa kanila at humahamak sa kanila dahil sila ay mga kapatid natin sa relihiyon.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese
Paglalahad ng mga salin