+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«أَتَدْرُونَ مَا الْمُفْلِسُ؟» قَالُوا: الْمُفْلِسُ فِينَا مَنْ لَا دِرْهَمَ لَهُ وَلَا مَتَاعَ، فَقَالَ: «إِنَّ الْمُفْلِسَ مِنْ أُمَّتِي يَأْتِي يَوْمَ الْقِيَامَةِ بِصَلَاةٍ وَصِيَامٍ وَزَكَاةٍ، وَيَأْتِي قَدْ شَتَمَ هَذَا، وَقَذَفَ هَذَا، وَأَكَلَ مَالَ هَذَا، وَسَفَكَ دَمَ هَذَا، وَضَرَبَ هَذَا، فَيُعْطَى هَذَا مِنْ حَسَنَاتِهِ، وَهَذَا مِنْ حَسَنَاتِهِ، فَإِنْ فَنِيَتْ حَسَنَاتُهُ قَبْلَ أَنْ يُقْضَى مَا عَلَيْهِ أُخِذَ مِنْ خَطَايَاهُمْ فَطُرِحَتْ عَلَيْهِ، ثُمَّ طُرِحَ فِي النَّارِ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2581]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Nakaaalam ba kayo kung sino ang bangkarota?" Nagsabi sila: "Ang bangkarota sa amin ay ang sinumang walang dirham sa kanya at walang ari-arian." Kaya nagsabi siya: "Tunay na ang bangkarota kabilang sa Kalipunan ko ay darating sa Araw ng Pagbangon na may dasal, ayuno, at zakāh, at darating na nakapanlait nga kay ganito, nanirang-puri kay ganiyan, lumamon ng yaman ni ganoon, nagpadanak ng dugo ni ganito, at nanakit kay ganiyan. Kaya bibigyan si ganito mula sa mga magandang gawa niya at si ganiyan mula sa mga magandang gawa niya. Saka kung naubos ang mga magandang gawa niya bago mabayaran ang kailangan sa kanya, kukuha mula sa mga kamalian nila saka itatapon ang mga ito sa kanya, pagkatapos itatapon siya sa Impiyerno."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2581]

Ang pagpapaliwanag

Nagtanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya: "Nakaaalam ba kayo kung sino ang bangkarota?" Nagsabi sila: "Ang bangkarota sa amin ay ang sinumang walang yaman sa kanya at walang ari-arian." Kaya nagsabi siya: "Tunay na ang bangkarota kabilang sa Kalipunan ko sa Araw ng Pagbangon ay ang sinumang darating na may mga gawang maayos gaya ng dasal, ayuno, at zakāh, at darating na nakapanlait nga kay ganito at nakaalipusta rito, nanirang-puri kay ganiyan sa dangal niyan, lumamon ng yaman ni ganoon at nagkaila nito, nagpadanak ng dugo ni ganito at lumabag sa katarungan dito, at nanakit kay ganiyan at nanghamak diyan. Kaya bibigyan ang nalabag sa katarungan mula sa mga magandang gawa niya; saka kapag naubos ang mga magandang gawa niya bago siya makabayad ng tungkulin sa kanya na mga karapatan ng iba at mga paglabag sa katarungan, kukuha mula sa mga pagkakasala ng nalabag sa katarungan saka ilalagay ang mga ito sa mga talaan ng tagalabag sa katarungan, pagkatapos ihahagis siya at itatapon siya sa Impiyerno yayamang walang natira sa kanya na mga magandang gawa.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الصربية الرومانية Luqadda malgaashka الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagbibigay-babala laban sa pagkasadlak sa mga ipinagbabawal, lalo na sa nauugnay sa mga karapatang pisikal at moral ng mga tao.
  2. Ang mga karapatan ng mga nilikha sa isa't isa sa kanila ay nakabatay sa pakikipagsakiman at ang mga karapatan ng Tagalikha, na iba sa Shirk, ay nakabatay sa pakikipaggalantehan.
  3. Ang paggamit ng pamamaraan ng pakikipagdayalogo na nagpapasabik sa tagadinig, nagpapatuon ng paningin nito, at pumupukaw ng pagpapahalaga nito, lalo na sa edukasyon at pagpapanuto.
  4. Ang paglilinaw sa kahulugan ng tunay na bangkarota: ang sinumang kukuhanan ng mga pinagkaatrasuhan niya ng mga maayos na gawa niya sa Araw ng Pagbangon.
  5. Ang ganting-pinsala sa Kabilang-buhay ay maaaring kumuha sa lahat ng mga magandang gawa hanggang sa walang matira mula sa mga ito na anuman.
  6. Ang pakikitungo ni Allāh sa nilikha ay nakasalalay sa katarungan at karapatan.
Ang karagdagan