+ -

عن أنس رضي الله عنه قال: كَانَ غُلاَمٌ يَهُودِيٌّ يَخْدُمُ النَّبيَّ صلى الله عليه وسلم فَمَرِضَ، فَأتَاهُ النَّبيُّ صلى الله عليه وسلم يَعُودُهُ، فَقَعَدَ عِنْدَ رَأسِهِ، فَقَالَ لَه: «أسْلِمْ» فَنَظَرَ إِلَى أبِيهِ وَهُوَ عِنْدَهُ؟، فَقَالَ: أَطِعْ أَبَا القَاسِمِ، فَأسْلَمَ، فَخَرَجَ النَّبيُّ صلى الله عليه وسلم وَهُوَ يَقُول: «الحَمْدُ للهِ الَّذِي أنْقَذَهُ منَ النَّارِ».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya: "May isang batang lalaking naglilingkod noon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagkasakit ito. Pinuntahan ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, upang dalawin ito. Naupo siya sa tabi ng ulo nito at nagsabi rito: Yumakap ka sa Islam. Tumingin ito sa ama nito habang iyon ay nasa tabi nito. Nagsabi iyon: Tumalima ka kay Abulqāsim. Yumakap ito sa Islam at lumabas ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang siya ay nagsasabi: Ang papuri ay ukol kay Allah na sumagip sa kanya sa Impiyerno."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

Ang pagpapaliwanag

Nasaad sa hadith na may batang kabilang sa mga Hudyong nasa Madīnah noon, na naglilingkod noon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Nagkasakit ito at dinalaw ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Inalok niya ito na yumakap sa Islam. Yumakap sa Islam ang bata kaya nagsabi siya: "Ang papuri ay ukol kay Allah na sumagip sa kanya sa Impiyerno."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish
Paglalahad ng mga salin