عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «لا تَصْحَبُ الملائكة رُفْقَةً فيها كلب أو جَرَسٌ».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Hindi sumasama ang mga anghel sa mga manlalakbay na may kasamang aso o kalembang."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Ang kahulugan ay na kapag lumisan ang isang pangkat sa isang paglalakbay at may kasama silang aso o kalembang, tunay na ang mga anghel ng awa at paghingi ng tawad ay tumatangging sumama sa kanila dahil ang aso ay marumi. Tungkol naman sa kalembang, ito ay dahil sa ito ay plauta ng demonyo gaya ng ipinabatid tungkol doon ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Nilimitahan iyon ng ilan sa maalam sa kalembang na isinasabit sa mga hayop dahil ito, kapag isinabit sa mga hayop, ay nagkakaroon ng isang takdang kuliling na humahalina ng galak, tuwa, at lugod sa pamamagitan ng tunog nito. Dahil doon, tinawag ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na mga plauta ng demonyo. Ang mga pang-alarma sa mga relo at tulad ng mga ito ay hindi napaloloob sa pagbabawal dahil ang mga ito ay hindi isinasabit sa mga hayop. Ito ay tapagpaalaala lamang ng isang takdang oras para panawag-pansin. Gayon din ang nasa mga pinto na gamit sa paghingi ng pahintulot sapagkat tunay na ang ilan sa mga pinto ay may kalembang para sa paghingi ng pahintulot, ito rin ay walang masama at hindi napaloloob sa pagbabawal dahil ito ay hindi nakasabit sa isang hayop at kawangis nito. Hindi ito nagdudulot ng tuwang kabilang sa ipinagbawal ng Sugo, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Kashf Al-Mushkil min Aḥādīth Aṣ-Ṣaḥīḥayn 3/564, Sharḥ An-Nawawīy `alā Muslim 14/95, at Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymīn 6/431-432. Tawag-pansin: Nasaad sa mga fatwā ng Lujnah Dā'imah: "Ang mga kalembang na ginagamit sa mga bahay, mga paaralan, at tulad ng mga ito ay ipinahihintulot hanggat hindi nagtataglay ng ipinagbabawal gaya ng pagkakawangis ng mga ito sa mga kampana ng mga Kristiyano o pagkakaroon ng mga ito ng tinig gaya ng musika sapagkat tunay na ang mga ito, sa sandaling iyon, ay magiging ipinagbabawal dahil doon."