عن أنس بن مالك رضي الله عنه مرفوعاً: «وكَّلَ اللهُ بالرَّحِم مَلَكًا، فيقول: أيْ ربِّ نُطْفة، أيْ ربِّ عَلَقة، أيْ ربِّ مُضْغة، فإذا أراد اللهُ أن يقضيَ خَلْقَها، قال: أيْ ربِّ، أذكرٌ أم أنثى، أشقيٌّ أم سعيدٌ، فما الرزق؟ فما الأَجَل؟ فيكتب كذلك في بطن أُمِّه».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: Ipinagkatiwala ni Allāh ang matris sa isang anghel at nagsabi ito: "O Panginoon ko, punlay; o Panginoon ko, malalinta; o Panginoon ko, kimpal." Kaya kapag ninais ni Allāh na tapusin ang paglikha roon, magsasabi ito: "O Panginoon ko, lalaki po ba o babae? Hapis po ba o maligaya? Kaya ano po ang panustos? Kaya ano po ang taning?" Nagsusulat ng gayon habang nasa tiyan ng ina niya.
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Nagsasabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay nagtalaga ng isang anghel para sa sinapupunan. Nangangahulugan ito: Tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay naglagay ng isa sa mga anghel bilang tagapangalaga sa kapakanan ng sinapupunan, ang lugar na tinutubuan ng bata sa tiyan ng ina nito. Nagsasabi ang anghel na ito: "O Panginoon ko, punlay..." Nangangahulugan ito: O Panginoon ko, ito ay punlay." Ang punlay ay ang likido ng lalaki. Ang tulad nito ay ang pagkatapos sa sinabi nito: "O Panginoon ko, malalinta..." Nangangahulugan ito: "O Panginoon ko, ito ay malalinta." Ang malalinta ay ang dugong namuo. Pagkatapos ay nagsasabi ito: "O Panginoon ko, kimpal..." Nangangahulugan ito: "O Panginoon ko, ito ay kimpal." Ang kimpal ay isang piraso ng laman. Nilinaw sa ibang sanaysay na ang haba ng bawat isa sa mga yugtong ito ay apatnapung araw. Pagkatapos ay nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kaya kapag ninais ni Allāh na tapusin ang paglikha roon" ay tumutukoy sa kimpal dahil ito ang pinakahuli sa mga yugto. Ang tinutukoy ng pagtapos ay ang pagwawakas sa paglikha nito. Iyon ay sa pamamagitan ng pag-ihip ng kaluluwa roon gaya ng paglilinaw roon ng ibang sanaysay. Iyon ay matapos ang 120 araw. Nagsasabi ang anghel: "O Panginoon ko, lalaki po ba o babae?" O Panginoon ko, siya ba ay lalaki at itatala ko o babae? "Hapis po ba o maligaya?" Nangangahulugan ito: "Siya ba ay hapis na mapabibilang sa mga maninirahan sa Impiyerno at itatala ko o maligayang mapabibilang sa mga maninirahan sa Paraiso at isusulat ko ang gayon? "Kaya ano po ang panustos?" Nangangahulugan ito: "Kaunti ba o marami at ano ang sukat niyon?" "Kaya ano po ang taning?" Nangangahulugan ito: "Kaya ano ang edad? Mahaba o maikli?" "Nagsusulat ng gayon habang nasa tiyan ng ina niya." Nangangahulugan ito: "Nagsusulat ng nabanggit gaya ng ipinag-utos sa kanya ni Allāh sa kalagayang ang bata ay nasa tiyan ng ina nito."