+ -

عَنْ أَبِي طَلْحَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«لاَ تَدْخُلُ المَلاَئِكَةُ بَيْتًا فِيهِ كَلْبٌ وَلاَ صُورَةٌ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 3322]
المزيــد ...

Ayon kay Abu Ṭalḥah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Hindi pumapasok ang mga anghel sa isang bahay na sa loob nito ay may aso ni may larawan."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 3322]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga anghel ng awa ay hindi pumapasok sa isang bahay na may aso ni larawan ng mga may kaluluwa. Iyon ay dahil sa ang larawan ng may kaluluwa ay isang nakayayamot na pagsuway. Dito ay may panggagaya sa paglikha ni Allāh at isang kaparaanan mula sa mga kaparaanan ng Shirk. Ang ilan sa mga ito ay larawan ng sinasamba bukod pa kay Allāh. Ang kadahilanan naman ng pag-ayaw ng mga anghel sa isang bahay na sa loob nito ay may aso ay dahil sa dami ng pagkain nito ng mga karumihan, dahil ang iba sa mga ito ay tinatawag bilang demonyo at ang mga anghel ay kontra sa mga demonyo, dahil sa baho ng amoy ng aso at ang mga anghel ay nasusuklam sa mabahong amoy, at dahil ang mga ito ay ipinagbabawal alagaan saka parurusahan ang tagapag-alaga ng mga ito ng pagkakait sa kanya ng pagpasok ng mga anghel ng awa sa bahay niya, pagdalangin ng mga ito ng basbas sa loob nito, paghingi ng mga ito ng tawad para sa kanya, pagdalangin ng mga ito ng pagpapala sa kanya at sa bahay niya, at pagtulak ng mga ito ng perhuwisyo ng demonyo palayo sa kanya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الرومانية Luqadda malgaashka
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagbabawal ng pag-aalaga ng aso maliban ng aso ng pangangaso o hayupan o pananim.
  2. Ang pagtataglay ng mga larawan ay kabilang sa mga bagay na karima-rimarim na nilalayuan ng mga anghel. Ang pagkakaroon ng mga ito sa lugar ay nagiging isang kadahilanan ng pagkakait ng awa at tulad niyon ang aso.
  3. Ang mga anghel na hindi pumapasok sa isang bahay na may aso o larawan ay mga anghel ng awa. Hinggil naman sa tagaingat ng gawa at iba pa sa kanila kabilang sa mga may katungkulan gaya ng anghel ng kamatayan, pumapasok sila sa bawat bahay.
  4. Ang pagbabawal sa pagsasabit ng mga larawan ng mga may kaluluwa sa mga dingding at iba pa sa mga ito.
  5. Nagsabi si Al-Khaṭṭābīy: Hindi lamang pumapasok ang mga anghel sa isang bahay na may aso o larawan, na kabilang sa ipinagbabawal ariin gaya ng mga aso at mga larawan. Hinggil naman sa anumang hindi bawal gaya ng aso ng pangangaso, pananim, at hayupan, at larawan na nahahamak sa karpet, unan, at iba pa sa dalawang ito, hindi napipigil ang pagpasok ng mga anghel dahilan dito.
Ang karagdagan