عن أنس رضي الله عنه مرفوعاً: «إن هذه المساجد لا تَصْلُحُ لشيء من هذا البَول ولا القَذَر، إنما هي لِذِكْر الله عز وجل، والصلاة، وقراءة القرآن» أو كما قال رسول الله صلى الله عليه وسلم .
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Anas, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay ang mga masjid na ito ay hindi naaangkop sa anuman mula sa ihing ito ni dumi. Ang mga ito ay ukol lamang sa pag-alaala kay Allāh, pagkataas-taas Niya o sa pagbigkas ng Qur'ān." O gaya ng sinabi ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Ang ḥadīth na ito ay may kuwentong ipinabatid ni Anas, malugod si Allāh sa kanya, kung saan nagsasabi siya: "Habang kami ay nasa masjid kasama ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, nang biglang may dumating na isang Arabeng-disyerto. Tumindig ito na umiihi sa masjid kaya nagsabi ang mga kasamahan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Huwag, huwag." Sa isang sanaysay: "...sinuwata siya ng mga tao." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Huwag ninyo siyang pahintuin; hayaan niyon siya." Pinabayaan nila ito hanggang sa nakaihi ito. Pagkatapos tunay na ang sugo ni Allāh ay nag-anyaya rito at nagsabi rito: "Tunay ang mga masjid na ito ay hindi naaangkop sa anuman mula sa ihing ito..." Nilinaw ng Sugo, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ang mga masjid ay hindi naaangkop na sa loob ng mga ito ay may anumang nakarurumi at marumi. Ito ay ukol lamang sa pagdarasal, Qur'ān, at dhikr. Kaya tungkulin ng mga Mananampalataya na igalang ang mga bahay ni Allāh kaya naman hindi magtatapon sa mga ito ng nakarurumi ni marumi, ni magtaas ng tinig sa loob ng mga ito. Ang tao ay dapat maging mapagpitagan dahil ang mga masjid ay mga bahay ni Allāh. Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymin 6/438.