عن ابن عمر رضي الله عنهما : أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «إن الذين يَصْنَعُون هذه الصُّور يُعَذَّبُونَ يوم القيامة، يُقال لهم: أَحْيُوا ما خَلَقْتُم».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Tunay na ang mga gumagawa ng mga larawang ito ay pagdurusahin sa Araw ng Pagkabuhay. Sasabihin sa kanila: Buhayin ninyo ang nilikha ninyo."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang kahulugan ng hadith ay na ang mga gumagawa ng mga larawan, magkatulad lamang kung ang larawan ay inukit o iginuhit, na kabilang sa may kaluluwa gaya ng paglalarawan sa tao o hayop, at magkatulad lamang kung ang larawan ay ginawa sa hamak na layon o hindi hamak, sapagkat sila ay pagdurusahin sa Araw ng Pagkabuhay dahil sa ginawa nilang iyon dahil sa paggaya nila sa nilikha ni Allah, pagkataas-taas Niya. Sasabihin sa kanila: "Buhayin ninyo." Ibig sabihin: Gawan ninyo iyan ng kaluluwa gaya ng paggawa ninyo ng katawan. Ang "ang nilikha ninyo" ay nangangahulugang: ang isinaimahen ninyo na mga imaheng nakakawangis ng nilikha ni Allah, pagkataas-taas Niya. Kapag kayo ay nagwangis nga sa kanila sa nilikha ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa anyo, padalhan ninyo ito ng kaluluwa. Ito ay bilang panunuya, pagsumbat, at paninisi dahil sa paggaya nila sa nilikha ni Allah, pagkataas-taas Niya. Titigil sila dahil sa hiling na ito kapag hindi nila nakayanang umihip ng kaluluwa sa imahen. Nasaad sa Ṣaḥīḥayn mula sa ḥadīth ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allah sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Ang sinumang gumawa ng isang imahen, tunay na si Allah ay magpaparusa sa kanya hanggang sa makaihip siya rito ng kaluluwa." Nagsabi si An-Nawawīy, kaawaan siya ni Allah: "Nagsabi ang mga pantas: ang pagsasaimahen ng imahen ng hayop ay ipinagbabawal nang matinding pagbabawal. Ito ay kabilang sa mga malaking kasalanan dahil ito ay binantaan nitong matinding bantang nabanggit sa mga hadith, magkatulad lamang kung ginawa ito sa layuning kahamak-hanak o hindi. Ang paggawa nito ay ipinagbabawal sa lahat ng kalagayan dahil ito ay nagtataglay ng paggaya sa nilikha ni Allah, pagkataas-taas Niya." Sharḥ Al-Bukhārīy ni Ibnu Baṭal 554/10, Shārḥ An-Nawawīy `alā Muslim 81/14, at Manār Al-Qāri’ 291/3.