+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «من سمِع رجُلا يَنْشُدُ ضَالَّةً في المسجد فليقُل: لا رَدَّهَا الله عليك، فإنَّ المساجد لم تُبْنَ لهذا».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya.nagsabi siya: Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Sinuman ang makarinig ng isang lalaki na nananawagan sa nawawala niyang [alagang] hayop sa loob ng Masjid,Sabihin niyang: Naway hindi ibalik ni Allah sa iyo,sapagkat ang mga Masjid ay hindi itinayo dahil dito))
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Nagpatnubay ang Hadith ni Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-sa sinumang manawagan sa loob ng Masjid sa mga bagay na nawawala mula sa mga Hayop,na sabihin sa kanya:(Naway hindi ito ibalik) ni Allah,(sa iyo) o (Hindi mo matagpuan)-tulad ng nasa isang salaysay- at ito ay pagsuway sa kanya dahil sa pag-iwan niya ng pagpapadakila sa Masjid,Pagkatapos ay dumating ang pagpapaliwanag mula sa Propeta sa pagsuway sa sinumang nanawagan sa nawawalan nitong [hayop] sa loob ng Masjid,at ito ay sa pagsabi niya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-:(sapagkat ang mga Masjid ay hindi itinayo dahil dito): ibig sabihin ay: Kaya ito itinayo ay para sa pag-aalaala kay Allah-Pagkataas-taas Niya,at sa Padarasal at sa Kaalaman at pagpapaalalahanan sa kabutihan at sa mga tulad pa nito,kayat nang ilagay ng nananawagan na ito ang isang bagay sa hindi niya kinalalagyan, naaangkop ang panalangin sa kanya na hindi niya ito matagpuan,bilang parusa sa kanya,sa pagsalungat niya sa layunin,at bilang pananakot at pag-iwas sa tulad ng ginawa niya,At sa kabuuan ng Hadith sa dako ng pag-uutos ng Kabutihan at pagbabawal sa Kasamaan at mayroon ito nakatalagang kondisyon,at nanalangin siya sa kanya nito,at natakot at tinigilan ito,magiging sapat na iyon,at kung hindi ay uulitin niya ito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin