+ -

عن أنس رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «لا تقوم السَّاعة حتى يَتَبَاهَى النَّاس في المسَاجد».
[صحيح] - [رواه أبو داود]
المزيــد ...

Ayon kay Anas-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi;Sinabi ng Sugo ni Allah-pagapalain siya ni Allah at pangalagaan-;(( Hindi magugunaw ang mundo hanggat hindi [nagawang] magmalaki ang mga tao ng mga Masjid))
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]

Ang pagpapaliwanag

Ang kahulugan ng Hadith: "Hindi magugunaw ang mundo hanggat hindi nagmalakihan ang mga tao ng mga Masjid" Ang pagmalakihan sa mga Masjid ay ang pagyayabangan sa ganda ng pagpapatayo nito,at palamuti nito,pagpapaganda nito,at sa tangkad at taas nito,at sa taas ng bubong nito;na sasabihin ng lalaki sa iba na : Ang masjid ko ay higit na maganda sa masjid mo,At ang pagpapatayo ko sa masjid ko ay higit na maganda sa pagpapatayo mo,at ganyan nga.At maaari din na ang pagmamalakihan [sa mga masjid] ay sa pamamagitan ng gawa at hindi sa salita,tulad ng labis na paglalagay palamuti ng bawat isa sa masjid niya,pagpapataas sa estraktura nito at iba pa.,upang maging higit na maipagmalaki sa iba. Kaya ang nararapat ay ang pag-iwan sa pagmamalabis rito at paglagay palamuti;Dahil ang mga masjid ay itinayo dahil dito,bagamat ito ay itinayo upang ipangasiwa rito ang pagdarasal at paggugunita sa Allah-pagkataas-taas Niya at pananampalataya sa Kanya- Nagsabi siya-Pagkataas-taas Niya: ((Ang mga Masjid ni Allah ay pangangasiwaan lamang ng mga sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw at nagsisipag-alay ng pagdarasal)) At nag-utos si `Umar-malugod si Allah sa kanya-pagpapatayo ng masjid na:((Isilong ang mga tao sa ulan,at iwasan mong ito ay [malagyan ng kulay] pula o dilaw,at matukso ang mga tao)) at ang kahulugan: Isilong: Ibig sabihin ay: Magpatayo ka para sa kanila ng Masjid na mangangalaga sa kanila mula sa ulan kapag ito ay bumuhos habang sila ay nagdarasal,at [mangangalaga sa kanila] mula sa init ng araw, Ibig sabihin ay hahantong sa layunin. At nagsabi si Anas:" Nagmamalakihan sila rito pagkatapos ay walang nangangasiwa nito maliban sa kaunti lamang" At nagsabi si Ibn `Abbas: " Tunay na palalamutian nila ito tulad ng pagpapalamuti ng mga Hudyo at mga Kristiyano" Ang lumilitaw na ito,ibig sabihin ay ang pagmamalaki sa mga masjid ay kabilang sa mga palatandaan ng huling oras,kung saan ay hindi ito nagaganap liban sa pagbabago ng kalagayan ng mga tao,at kakulangan ng relihiyon,at kahinaan ng pananampalataya nila,kapag naging ang mga agawain nila ay hindi na para kay Allah-pagkataas-taas Niya,at ito ay pakitang-tao lamang,at pagkukunwari,pagmamalakihan at pagyayabangan

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin