عن أبي نُجَيد عمران بن حصين الخزاعي رضي الله عنه أن امرأة من جهينة أتت رسول الله - صلى الله عليه وسلم - وهي حُبْلَى من الزنى، فقالت: يا رسول الله، أصبتُ حدًّا فَأَقِمْهُ عليَّ، فدعا نبيُّ الله صلى الله عليه وسلم وَلِيَّهَا، فقال: «أَحْسِنْ إِلَيْهَا، فإذا وَضَعَتْ فَأْتِنِي» ففعل، فأمر بها نبي الله صلى الله عليه وسلم فَشُدَّتْ عليها ثيابها، ثم أمر بها فَرُجِمَتْ، ثم صلى عليها. فقال له عمر: تُصَلِّي عليها يا رسول الله وقد زنت؟ قال: «لقد تابت توبةً لو قُسِمَتْ بين سبعين من أهل المدينة لَوَسِعَتْهُم، وهل وَجَدَتْ أفضل من أن جَادَتْ بنفسها لله عز وجل ؟!».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Nujayd `Imrān bin Ḥuṣayn Al-Khuzā`īy, malugod si Allah sa kanya, may isang babaing kabilang sa [liping] Juhaynah na pumunta sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang siya ay buntis mula sa pangangalunya at nagsabi: "O Sugo ni Allah, nagkamit ako ng isang takdang parusa kaya ipatupad mo ito sa akin." Ipinatawag ng Propeta ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang tagatangkilik niya at nagsabi: "Makitungo ka ng maganda sa kanya at kapag nagsilang siya ay dalhin mo sa akin." Ginawa naman niyon. Ipinag-utos ng Propeta ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, [na parusahan] siya kaya iginapos sa kanya ang mga kasuutan niya. Pagkatapos ay ipinag-utos nitong ipataw sa kanya kaya binato siya. Pagkatapos ay nagdasal ito para sa kanya. Nagsabi rito si `Umar: "Nagdarasal ka para sa kanya, o Sugo ni Allah, gayong nangalunya nga siya?" Nagsabi ito: "Talaga ngang nagbalik-loob siya ng isang pagbabalik-loob na kung sakaling hinati sa pitumpo sa mga naninirahan sa Madīnah ay talagang sasapat sa kanila ito. Nakatagpo ka ba ng higit na mainam kaysa sa nag-alay ng sarili niya para kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan?"
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
May pumuntang isang babaing kabilang sa [liping] Juhaynah sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang siya ay buntis. Nangangalunya nga siya, malugod si Allāh sa kanya at ipinabatid niya dito na siya ay nagkamit ng isang bagay na nagsasatungkulin sa kanya ng takdang parusa upang ipatupad ito sa kanya. Kaya ipinatawag ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang tagatangkilik niya. Inutusan nito iyon na makitungo ng maganda sa kanya at kapag nagsilang siya ay dalhin siya rito. Noong nagsilang siya, dinala siya ng tagatangkilik niya sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ipinulupot ang damit niya at itinali ito upang hindi siya mahubaran. Pagkatapos ay ipinag-utos nitong parusahan siya kaya pinukol siya ng mga bato hanggang sa namatay siya. Pagkatapos ay nagdasal ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, para sa kanya at dumalangin para sa kanya ng panalangin para sa patay. Nagsabi rito si `Umar, malugod si Allāh sa kanya: "Nagdarasal ka para sa kanya, o Sugo ni Allah, gayong nangalunya nga siya?" Kaya ipinabatid doon ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan na siya ay nagbalik-loob nga ng isang pagbabalik-loob na malawak na kung sakaling hinati sa pitumpo sa mga taga-Madīnah ay talagang sasapat sa kanila ito at makikinabang sila rito sapagkat tunay na siya ay dumating na nagsuko ng sarili niya alang-alang sa pagpapakalapit kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, at pagkalas mula sa kasalanan ng pangangalunya kaya mayroon bang higit na dakila kaysa rito?