عن عمران بن الحصين رضي الله عنهما : أنَّ امْرَأَةً مِنْ جُهَيْنَةَ أتَت النَّبِيَّ صلى الله عليه وسلم وَهِيَ حُبْلَى مِنَ الزِّنَا، فَقَالَتْ: يَا رسول الله، أصَبْتُ حَدّاً فَأقِمْهُ عَلَيَّ، فَدَعَا رسولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم وَلِيَّها، فقالَ: «أحْسِنْ إِلَيْهَا، فَإذَا وَضَعَتْ فَأتِنِي بِهَا» فَفَعَلَ، فَأمَرَ بها النبيُّ صلى الله عليه وسلم فَشُدَّتْ عَلَيْهَا ثِيَابُهَا، ثُمَّ أمَرَ بِهَا فَرُجِمَت، ثُمَّ صَلَّى عَلَيْهَا.
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay `Imrān bin Al-Ḥusayn, malugod si Allah sa kanilang dalawa: May isang babaing kabilang sa liping Juhaynah na dumating sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang siya ay buntis mula sa pangangalunya at nagsabi: "O Sugo ni Allah, nagkamit po ako ng takdang parusa kaya ipatupad mo po ito sa akin." Tinawag ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang tagatangkilik niya at nagsabi: "Pagandahin mo ang pakikitungo sa kanya at kapag nagsilang siya, dalhin mo siya sa akin." Ginawa naman niyon. Nag-utos para rito ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na igapos dito ang damit nito. Pagkatapos ay nag-utos siya na batuhin ito. Pagkatapos ay nagdasal siya para rito.
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Sa ḥadīth ayon kay `Imrān bin Al-Ḥusayn, malugod si Allah sa kanya: May isang babaing dumating sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang siya ay buntis mula sa pangangalunya at nagsabi: "O Sugo ni Allah, nagkamit po ako ng takdang parusa kaya ipatupad mo po ito sa akin." Ninanais niya mula sa Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ipatupad sa kanya ang takdang parusa, ang pagbato, dahil siya ay may asawa. Ipinatawag ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang tagatangkilik nito at sinabi roon: "Pagandahin mo ang pakikitungo sa kanya at kapag nagsilang siya, dalhin mo siya sa akin." Ang sabi niya: "Pagandahin mo ang pakikitungo sa kanya" ay pag-uutos niyon dahil sa pangamba para sa kanya dahil sa idinulot niya sa kanila na kahihiyan at dahil sa pagpapahalaga sa mga karangalan. Ang pagdulot ng kahihiyan sa kanila ay ang magtutulak sa kanila sa pananakit sa kanya. Kaya nagtagubilin ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, para sa kanya bilang babala laban doon at para sa karagdagang awa sa kanya dahil siya ay nagbalik-loob. Nagsigasig siya sa pagpapaganda ng pakikitungo rito dahil sa taglay ng mga puso ng mga tao na pagkalayo ng loob sa tulad niya at sa pagpaparinig sa kanya ng pananalitang nakasasakit. Dinala siya sa Sugo ni Allah, (d), matapos maisilang ang ipinagdadalang-tao. Pagkatapos ay nag-utos sa kanya ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na maghintay hanggang sa maawat ang bata. Noong naawat na niya ito, pumunta siya at ipinatupad sa kanya ang takdang parusa. Nag-utos ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na igapos sa kanya ang kasuutan niya upang hindi siya mayanig sa sandali ng pagbato sa kanya at malantad ang kahubaran niya. Pagkatapos ay ipinag-utos na parusahan siya at binato siya. Nagdasal ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, para sa libing niya.