+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه قَال: قَالَ رسولُ الله صلى الله عليه وسلم : "إنَّ اللهَ عز وجل يَقُولُ يَومَ القِيَامَةِ: يَا ابْنَ آدَمَ، مَرِضْتُ فَلَمْ تَعُدنِي! قَالَ: يَا رَبِّ، كَيْفَ أعُودُكَ وَأنْتَ رَبُّ العَالَمِينَ؟!، قَالَ: أمَا عَلِمْتَ أنَّ عَبْدِي فُلاَناً مَرِضَ فَلَمْ تَعُدْهُ! أمَا عَلِمْتَ أنَّكَ لَوْ عُدْتَهُ لَوَجَدْتَني عِنْدَهُ! يَا ابْنَ آدَمَ، اسْتَطْعَمْتُكَ فَلَمْ تُطْعِمنِي! قَالَ: يَا رَبِّ، كَيْفَ أطْعِمُكَ وَأنْتَ رَبُّ العَالَمِينَ؟! قَالَ: أمَا عَلِمْتَ أنَّهُ اسْتَطْعَمَكَ عَبْدِي فُلانٌ فَلَمْ تُطْعِمْهُ! أمَا عَلِمْتَ أنَّكَ لَوْ أطْعَمْتَهُ لَوَجَدْتَ ذَلِكَ عِنْدِي! يَا ابْنَ آدَمَ، اسْتَسْقَيْتُكَ فَلَمْ تَسْقِنِي! قَالَ: يَا رَبِّ، كَيْفَ أسْقِيكَ وَأنْتَ رَبُّ العَالَمينَ؟! قَالَ: اسْتَسْقَاكَ عَبْدِي فُلاَنٌ فَلَمْ تَسْقِهِ! أمَا عَلِمْتَ أنَّكَ لَوْ سَقَيْتَهُ لَوَجَدْتَ ذَلِكَ عِنْدِي".
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Tunay na si Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay magsasabi sa Araw ng Pagkabuhay: 'O Anak ni Adan, nagkasakit Ako at hindi ka dumalaw sa Akin!' Magsasabi ito: 'O Panginoon ko, papaano akong dadalaw sa Iyo samantalang Ikaw ang Panginoon ng mga nilalang?' Magsasabi Siya: 'Hindi mo ba nalamang ang lingkod Kong si Polano ay nagkasakit, at hindi mo siya dinalaw? Hindi mo ba nalamang ikaw, kung sakaling dumalaw ka sa kanya, ay talagang nakasumpong sana sa Akin sa piling niya? O anak ni Adan, humingi Ako ng pagkain sa iyo at hindi mo Ako pinakain!' Magsasabi ito: 'Panginoon ko, papaano akong magpapakain sa Iyo samantalang Ikaw ang Panginoon ng mga nilalang?' Magsasabi Siya: 'Hindi mo ba nalamang humingi ng pagkain sa iyo ang lingkod Kong si Polano at hindi mo siya pinakain? Hindi mo ba nalamang ikaw, kung sakaling pinakain mo siya, ay talagang nakasumpong sana niyon sa piling Ko? O anak ni Adan, humingi Ako ng inumin sa iyo at hindi mo Ako pinainom!' Magsasabi ito: 'Panginoon ko, papaano akong magpapainom sa Iyo samantalang Ikaw ang Panginoon ng mga nilalang?' Magsasabi Siya: 'Hindi mo ba nalamang humingi ng inumin sa iyo ang lingkod Kong si Polano at hindi mo siya pinainom? Hindi mo ba nalamang ikaw, kung sakaling pinainom mo siya, ay talagang nakasumpong sana niyon sa piling Ko?'"
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Magsasabi si Allah, pagkataas-taas Niya, sa Araw ng Pagkabuhay: 'O anak ni Adan nagkasakit Ako at hindi mo Ako dinalaw.' Magsasabi ito: 'Papaano akong dadalaw sa Iyo samantalang Ikaw ang Panginoon ng mga nilalang?'" Nangangahulugan ito: "samantalang Ikaw ay walang pangangailangan sa akin upang dumalaw ako sa Iyo." Magsasabi Siya: "Hindi mo ba nalamang ang lingkod Kong si Polano ay nagkasakit at hindi mo siya dinalaw? Samantala, tunay na ikaw, kung sakaling dinalaw mo siya, ay talagang makatatagpo sana sa Akin sa piling niya." Ang ḥadīth na ito ay walang suliranin hinggil sa sabi Niya, pagkataas-taas Niya: "nagkasakit Ako at hindi mo Ako dinalaw." Ito ay dahil sa si Allah, pagkataas-taas Niya, ay imposible sa Kanya ang pagkakasakit dahil ang pagkakasakit ay katangian ng kakulangan samantalang si Allah ay malayo sa bawat kakulangan, bagkus ang ibig sabihin ng pagkakasakit ay pagkakasakit ng isa sa mga lingkod Niyang matutuwid. Ang mga tinangkilik ni Allah, napakamaluwalhati Niya, ay itinatangi Niya. Dahil dito sinabi Niya: "Hindi mo ba [nalamang] ikaw, kung sakaling dumalaw ka sa kanya, ay talagang nakasumpong sana sa Akin sa piling niya?" Hindi Niya sinabi: "talagang nakasumpong [ka] niyon sa piling ko" gaya ng sinabi Niya hinggil sa pagkain at inumin. Bagkus sinabi Niya: "talagang nakasumpong [ka] sana sa Akin sa piling niya." Ito ay nagpapatunay sa kalapitan ng maysakit kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Dahil dito, sinabi ng mga pantas: "Tunay na ang maysakit ay karapat-dapat sa pagtugon ng panalangin kapag dumalangin siya para sa isang tao o dumalangin siya laban sa isang tao." Ang sabi Niya: "O anak ni Adan, humingi Ako ng pagkain sa iyo at hindi mo Ako pinakain" ay nangangahulugan: "humiling Ako mula sa iyo ng pagkain at hindi mo Ako pinakain." Alam [natin] na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay hindi humihiling ng pagkain para sa sarili Niya dahil ang sabi ni Allah, mapagpala Siya at pagkataas-taas: "samantalang Siya ay nagpapakain at hindi pinakakain" (Qur'an 6:14) Siya ay walang pangangailangan sa bawat bagay: hindi Siya nangangailangan ng pagkain ni inumin. Subalit nagutom ang isa sa mga lingkod ni Allah at nalaman iyon ng isang tao ngunit hindi niya pinakain iyon. Nagsabi si Allah, pagkataas-taas Niya: "Hindi mo ba [nalamang] ikaw, kung sakaling pinakain mo siya, ay talagang nakasumpong sana niyon sa piling Ko?" Nangangahulugan ito: talagang nasumpungan mo sana ang gantimpala niyon sa piling Ko na nakaimbak para sa iyo ang magandang ganti na sampung tulad ng gantimpala niyon hanggang sa pitong daang ulit [o] hanggang sa maraming ulit. Ang sabi Niya: “O Anak ni Adan, humingi Ako ng inumin sa iyo.” Ibig sabihin: Humiling Ako mula sa iyo na painumin mo Ako at hindi mo Ako pinainom.” Nagsabi ito: “Papaano akong magpapainom sa Iyo samantalang Ikaw ang Panginoon ng mga nilalang?” Nangangahulugan ito: Wala akong pangangailangan sa pagkain ni inumin. Nagsabi Siya: “Hindi mo ba nalaman na ang lingkod Kong si Polano ay nauhaw o humingi ng inumin sa iyo at hindi mo siya pinainom? Hindi mo ba nalamang ikaw, kung sakaling pinainom mo siya, ay talagang nakasumpong sana niyon sa piling Ko?” Ang pagpapainom sa sinumang humiling mula sa iyo ng inumin, at pinainom mo naman, ay magsasanhi sa iyo na makasumpong dahil doon sa piling ni Allah ng nakaimbak na magandang ganti na sampung tulad ng gantimpala niyon hanggang sa pitong daang ulit [o] hanggang sa maraming ulit.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Tamil
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan