+ -

عن سعد بن أبي وقاص رضي الله عنه قال: سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول:
«إِنَّ اللهَ يُحِبُّ الْعَبْدَ التَّقِيَّ الْغَنِيَّ الْخَفِيَّ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2965]
المزيــد ...

Ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Tunay na si Allāh ay umiibig sa taong mapangilag magkasala na nakasasapat na mapagkubli."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2965]

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay umiibig sa ilan sa mga lingkod Niya.
Kabilang sa kanila ang mapangilag magkasala: ang tagasunod sa mga ipinag-uutos ni Allāh, ang tagaiwas sa mga sinasaway Niya.
Umiibig si Allāh sa nakasasapat: na nagpawalang-pangangailangan sa mga tao dahil kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), na hindi bumabaling sa iba pa sa Kanya.
Umiibig si Allāh sa mapagkubli: ang nagpapakumbabang nagpapakamananamba sa Panginoon niya, na tagagamit ng nagpapakinabang sa kanya, na hindi nagpapahalaga na makilala siya ng isang tao o pag-usapan siya sa pamamagitan ng pagbubunyi o pagpapapuri.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda kinaadiga Luqadda Asariga الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang paglilinaw sa ilan sa mga katangiang humiling ng pag-ibig ni Allāh sa mga lingkod Niya. Ang mga ito ay ang pangingilag magkasala, ang pagpapakumbaba, at ang pagkalugod sa anumang inihati ni Allāh.