عَنْ عُبَادَةَ بْنِ الصَّامِتِ رَضيَ اللهُ عنهُ أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«فِي الجَنَّةِ مِائَةُ دَرَجَةٍ مَا بَيْنَ كُلِّ دَرَجَتَيْنِ كَمَا بَيْنَ السَّمَاءِ وَالأَرْضِ، وَالْفِرْدَوْسُ أَعْلاَهَا دَرَجَةً وَمِنْهَا تُفَجَّرُ أَنْهَارُ الجَنَّةِ الأَرْبَعَةُ، وَمِنْ فَوْقِهَا يَكُونُ العَرْشُ، فَإِذَا سَأَلْتُمُ اللَّهَ فَسَلُوهُ الفِرْدَوْسَ».
[صحيح] - [رواه الترمذي] - [سنن الترمذي: 2531]
المزيــد ...
Ayon kay `Ubādah bin Aṣ-Ṣāmit (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Sa Paraiso ay may isandaang antas, na ang pagitan ng bawat dalawang antas ay gaya ng pagitan ng langit sa lupa. Ang Firdaws ay ang pinakamataas sa mga ito sa antas at mula rito pinabubulwak ang apat na ilog ng Paraiso at mula sa itaas nito ay ang Trono. Kaya kapag humiling kayo kay Allāh, hilingin ninyo sa Kanya ang Firdaws."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy] - [سنن الترمذي - 2531]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sa Paraiso ay may isandaang antas at katayuan, na ang pagitan ng bawat dalawang antas na distansiya ay gaya ng pagitan ng langit sa lupa. Ang pinakamataas sa mga paraisong ito ay ang Paraiso ng Firdaws. Mula rito pinabubulwak ang apat na ilog ng Paraiso at mula sa itaas ng Firdaws ay ang Trono. Kaya kapag humiling kayo kay Allāh, hilingin ninyo sa Kanya ang Firdaws yayamang ito ay nasa ibabaw ng lahat ng mga paraiso.