عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: «مَنْ كَانَتْ عِندَهُ مَظْلَمَةٌ لِأَخِيهِ، مِنْ عِرْضِهِ أو مِنْ شَيْءٍ، فَلْيَتَحَلَّلْهُ مِنْهُ اليومَ قَبْلَ أَن لا يَكُونَ دِينَارٌ ولا دِرْهَمٌ؛ إِنْ كَانَ له عَمَلٌ صَالِحٌ أُخِذَ مِنْهُ بِقَدْرِ مَظْلَمَتِهِ، وَإِن لَمْ يَكُنْ لَهُ حَسَنَاتٌ أَخَذَ مِنْ سَيِّئَاتِ صَاحِبِهِ فَحُمِلَ عَلَيْهِ».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Abē Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu:(( Sinuman ang nakagawa ng kawalan ng katarungan o kasalanan sa kapatid niya-mula sa kanyang ari-arian o iba pang bagay,tanggalin niya ang pananagutan niya sa Araw na ito bago ito hindi maging isang dinar o isang dirham;Kung siya ay mayroong mabuting gawain, kukunin ito sa kanya [bilang kabayaran] sa dami ng kanyang nagawang kasalanan,At kung sa kanya ay wala mabuting gawain,Kukuha mula sa mga kasalanan ng kasama niya at ipapataw ito sa kanya))
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Ang Hadith na ito ay naglalarawan sa pagpapakita ng pagiging makatarungan sa pamayanan na siyang sinisikap na mailaganap sa pagitan ng mga anak nito,Tunay na ipinaalam ni Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya.na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi: (Sinuman ang nakagawa ng kawalan ng katarungan o kasalanan) Ibig sabihin:Anumang bagay na nakuha sa kanya ng mang-aapi o naging parusa sa kanya.Sa nasabi niyang:( Sa kapatid niya) Ibig sabihin ay: Sa relihiyon,Ang kasalanang ito ay sumasakop sa napakaraming bagay,mula sa: (Ari-arian niya): Pahayag para sa naapi,ito ang mga bagay na pinangangalagaan niya mula sa sarili niya,pamilya niya,at ari-arian niya,at tumanggi siya na maghiganti,O (Anumang bagay) Ibig sabihin ay; Ibang bagay tulad ng pagkuha sa yaman niya o paghadlang mula sa pakinabang rito,o di kaya ito ay [tumutukoy sa] pangkalahatan pagtapos ng pagbanggit[sa mga ilan nito] Wala siyang dapat gawin maliban sa (tanggalin niya ang pananagutan niya rito);Ibig sabihin ay: dadalisayin ng makasalanan,[sa pamamagitan ng pagtanggal ng kanyang pananagutan] na nabanggit ( mula sa kanya) Ibig sabihin: mula sa naapi,At kabilang sa nagpapatibay ng pagmamadali rito,ay ang pagsabi niya ng: (Sa araw na ito) : Ibig sabihin ay: Sa mga araw niya dito sa mundo,upang harapin niya ito,Sa pagsabi niya ng: ( Bago pa ito hindi maging) Ibig sabihin ay:wala ng (Dinar at dirham): Ito ay pagpapahiwatig sa kabilang buhay,at sa pagpapahiwatig rito ay pagbibigay babala na nararapat na mawala sa kanya ang pananagutang ito,kahit pa gumugol siya ng dinar at dirham sa paggugol sa mga naging kasalanan niya o hindi makatarungang gawain niya,Dahil ang pagkuha ng dinar at dirham sa araw na ito sa pagtanggal ng pananagutan ay higit na magaan mula sa pagkuha ng mga kabutihan,o pagpataw ng mga kasalanan sa dami ng hindi natanggal na pananagutan,tulad ng itinuro niya sa pagsabi ng:( Kapag sa kanya ay magagandang gawain) Ibig sabihin ay: Na siya ay isang mananampalatayang makasalanan ngunit hindi napaatawad sa nagawa nitong kasalanan,kaya ang resulta ay: ( Kukunin): Ibig sabihin:Ang mga mabuting gawain nito ( mula sa kanya) Ibig sabihin ay: Mula sa nagmamay-ari nito na makasalanan,at ibibigay ito sa iba,At mangyayari rito ang pagkuha at paantay-pantay ng kaparusahan,( Sa dami ng nagawa nitong kasalanan): At ang kaalaman sa dami ng paniniwala at kasalanan,ang dami at pamamaraan ay ipina-uubaya sa kaalaman ni Allah-Napakamaluwalhati Niya, At kapag ang nakagawa ng kasalanan ay kabilang sa mga walang nagawang kabutihan sa Araw ng paghuhukom,Tunay na sinabi niya rito-sumakana ang pagpapala at pangangalaga-; ( At kapag wala siyang) Ibig sabihin ay wala siyang ( nagawang kabutihan) Ibig sabihin: walang natira o wala mula t sa simula,Tunay na siya ay tatanggap ng pagsusulit na maguging mabigat para sa kanyang balikat,at magiging dagdag sa kaparusahan niya,:(kukuha mula sa mga kasalanan ng kasama niya) Ibig sabihin ay: Ang naapi,(At ipapataw ito sa kanya) Ibig sabihin ay: Ilalagay sa taong nagkasala