+ -

عَنْ أَسْمَاءَ بِنْتِ أَبِي بَكْرٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا، قَالَتْ: قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«إِنِّي عَلَى الحَوْضِ حَتَّى أَنْظُرَ مَنْ يَرِدُ عَلَيَّ مِنْكُمْ، وَسَيُؤْخَذُ نَاسٌ دُونِي، فَأَقُولُ: يَا رَبِّ مِنِّي وَمِنْ أُمَّتِي، فَيُقَالُ: هَلْ شَعَرْتَ مَا عَمِلُوا بَعْدَكَ، وَاللَّهِ مَا بَرِحُوا يَرْجِعُونَ عَلَى أَعْقَابِهِمْ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 6593]
المزيــد ...

Ayon kay Asmā' bint Abī Bakr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Tunay na ako ay nasa tabi ng Tubigan nang sa gayon makatingin ako sa sinumang pumupunta sa akin kabilang sa inyo. May kukunin na mga tao sa tabi ko kaya magsasabi ako: 'O Panginoon ko, kabilang sa akin at kabilang sa Kalipunan ko iyan.' Kaya sasabihin: 'Nakaramdam ka kaya sa ginawa nila matapos mo? Sumpa man kay Allāh, hindi sila huminto na bumabalik sa mga pinagdaanan nila.'"}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 6593]

Ang pagpapaliwanag

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya sa Araw ng Pagbangon ay magiging nasa tabi ng Tubigan niya upang tumingin sa sinumang pupunta kabilang sa Kalipunan niya sa Tubigan. May kukunin na mga taong nasa kalapitan mula sa Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) kaya magsasabi siya: "O Panginoon ko, kabilang sa akin at kabilang sa Kalipunan ko iyan." Kaya sasabihin: "Nakaalam ka kaya sa ginawa nila matapos ng pakikipaghiwalay nila sa iyo? Sumpa man kay Allāh, hindi sila tumigil na bumabalik sa mga tinalikuran nila at tumatalikod sila sa relihiyon nila kaya hindi sila kabilang sa iyo at hindi kabilang sa Kalipunan mo."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka الفولانية Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga اليونانية الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang awa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya at ang pagsisigasig niya para sa kanila.
  2. Ang pagkapanganib ng pakikipagsalungatan sa kung nasa ano noon ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
  3. Ang paghimok sa pangungunyapit sa Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang karagdagan