+ -

عن عبد الله بن عباس رضي الله عنهما قال: "ما السماوات السبع والأرضون السبع في كَفِّ الرحمن إلا كَخَرْدَلَةٍ في يد أحدكم".
[نقل الألباني تصحيحه عن ابن تيمية ولم يتعقبه] - [رواه عبد الله بن الإمام أحمد لكن بلفظ: "في يد الله" وابن جرير الطبري والذهبي]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Walang iba ang pitong langit at ang pitong lupa sa palad ng Napakamaawain kundi gaya ng buto ng mustasa sa kamay ng isa sa inyo."
[Ipinarating ni Al-Albānīy sa Pagtutumpak niya buhat kay Ibnu Taymiyah at hindi niya tinunton ito] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Jarir - Isinaysay ito ni Adh-Dhahabiy sa Al-Uluw - Isinaysay ito ni Abdullah na anak ni Imām Aḥmad]

Ang pagpapaliwanag

Ipinababatid sa atin ni Ibnu `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, sa ulat na ito na ang proporsiyon ng pitong langit at pitong lupa kaalinsabay ng laki ng mga ito kung ihahambing sa palad ni Allah na Napakamaawain ay gaya ng sukat ng maliit na buto ng mustasa sa kamay ng isa sa atin. Iyon ay isang pagwawangis sa isang sukat kung ihahambing sa isa pang sukat, hindi pagwawangis ng isang palad sa iba pang palad dahil si Allah ay hindi maiwawangis sa mga katangian Niya ang anuman gaya ng hindi pagkakawangis ng sarili Niya sa anuman.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa Portuges Swahili
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan