+ -

عن أبي مسعود الأنصاري رضي الله عنه مرفوعاً: «إنَّ مما أدرَكَ الناسُ من كلام النبوة الأولى إذا لم تستحي فاصنعْ ما شِئْتَ».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Mas`ūd Al-Anṣārīy, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay na kabilang sa naabutan ng mga tao mula sa pananalita ng pagkapropetang una ay na kapag hindi ka nahihiya ay gawin mo ang niloob mo."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

Ang pagpapaliwanag

Tunay na kabilang sa nakuha sa mga naunang propeta ang tagubilin sa pagkakaroon ng hiya. Ang hiya ay isang katangiang nasa kaluluwa na umaakay sa tao sa paggawa ng anumang nagpapaganda at nagpaparikit at sa pag-iwas sa anumang nagpaparumi at nagpapariwara. Ito ay kabilang sa mga katangian ng pananampalataya sapagkat kapag hindi pinigilan ang tao ng hiyang bahagi ng pananampalataya sa paggawa ng ikapaririwara, sino pa ang pipigil sa kanya?

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الرومانية Luqadda Oromaha
Paglalahad ng mga salin