+ -

عن كعب بن عياض رضي الله عنه قال: سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول: «إن لكل أُمَّة فتنة، وفِتنة أُمَّتي: المال».
[صحيح] - [رواه الترمذي والنسائي في الكبرى وأحمد]
المزيــد ...

Ayon kay Ka`b bin `Iyāḍ, malugod si Allāh sa kanya : "Tunay na ang bawat kalipunan ay may tukso at ang tukso ng kalipunan ko ay ang yaman."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

Ang pagpapaliwanag

Nagsabi si Ka`b bin `Iyāḍ, malugod si Allāh sa kanya : Narinig ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsasabi: "Tunay na ang bawat kalipunan ay may tukso..." Ang tukso ay ang mga bagay na nagsasadlak sa pagkaligaw at pagsuway. "at ang tukso ng kalipunan ko ay ang yaman." dahil ito ay masaklaw sa pagtamo ng minimithi at humahadlang sa pagkalubos ng mabuting kahihinatnan. Ang pagkalibang sa yaman ay umaabala sa isip sa pagsasagawa ng pagtalima [kay Allāh] at nagpapalimot sa Kabilang-buhay.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Portuges Swahili Tamil
Paglalahad ng mga salin