+ -

عَنْ أَنَسٍ رضي الله عنه قَالَ:
كَانَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يُكْثِرُ أَنْ يَقُولَ: «يَا مُقَلِّبَ القُلُوبِ ثَبِّتْ قَلْبِي عَلَى دِينِكَ»، فَقُلْتُ: يَا رَسُولَ اللهِ، آمَنَّا بِكَ وَبِمَا جِئْتَ بِهِ فَهَلْ تَخَافُ عَلَيْنَا؟ قَالَ: «نَعَمْ، إِنَّ القُلُوبَ بَيْنَ أُصْبُعَيْنِ مِنْ أَصَابِعِ اللهِ يُقَلِّبُهَا كَيْفَ يَشَاءُ».

[صحيح] - [رواه الترمذي وأحمد] - [سنن الترمذي: 2140]
المزيــد ...

Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpaparami ng pagsasabi ng: "Ya muqalliba –lqulūbi, thabbit qalbī `alā dīnik. (O Tagapagbagu-bago ng mga puso, patatagin Mo ang puso ko sa Relihiyon Mo.)" Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, sumampalataya kami sa iyo at sa inihatid mo; kaya nangangamba ka po ba para sa amin?" Nagsabi siya: "Oo; tunay na ang mga puso ay nasa pagitan ng dalawang daliri mula sa mga daliri ni Allāh, na nagbabagu-bago Siya ng mga ito kung papaano Niyang niloloob."}

[Tumpak] - - [سنن الترمذي - 2140]

Ang pagpapaliwanag

Ang pinakamadalas na panalangin ng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang paghiling kay Allāh ng katatagan sa Relihiyon, ang pagtalima, at ang paglayo sa kalikuan at pagkaligaw. Kaya nagulat si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) sa pagpapadalas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa panalanging ito. Nagpabatid naman sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga puso ay nasa pagitan ng dalawang daliri mula sa mga daliri ni Allāh, na nagbabagu-bago Siya ng mga ito kung papaano Niyang niloloob. Ang puso ay ang kinalalagyan ng pananampalataya at kawalang-pananampalataya. Tinawag nga ang puso bilang puso (qalb) dahil sa dalas ng pagpapabagu-bago nito. Ito ay higit na matindi sa pagbabago kaysa sa kaldero kapag tumindi ito sa kulo. Kaya ang sinumang niloob ni Allāh, magpapanatili Siya ng puso nito sa patnubay at magpapatatag Siya rito sa Relihiyon. Ang sinumang niloob ni Allāh, magbabaling Siya ng puso nito palayo sa patnubay patungo sa kalikuan at pagkaligaw.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الرومانية Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kataimtiman ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Panginoon niya, ang pagsusumamo niya sa Kanya, ang paggabay sa Kalipunang Islām tungo sa paghiling niyon.
  2. Ang kahalagahan ng pagpapakatuwid at pagpapakatatag sa Relihiyong Islām at na ang isinasaalang-alang ay nasa pangwakas na lagay.
  3. Ang tao ay hindi makapagwawalang-bahala sa pagpapatatag ni Allāh sa kanya sa Islām nang isang kisap-mata.
  4. Ang paghimok sa pagpapadalas ng pagdalanging ito bilang pagtulad sa Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga).
  5. Ang katatagan sa Islām ay ang pinakadakilang biyaya na nararapat sa tao na magpunyagi rito at magpasalamat sa Mapagtangkilik sa kanya dahil rito.