+ -

عن أنس بن مالك رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال:
«مَنْ أَحَبَّ أَنْ يُبْسَطَ لَهُ فِي رِزْقِهِ، وَيُنْسَأَ لَهُ فِي أَثَرِهِ، فَلْيَصِلْ رَحِمَهُ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 5986]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang sinumang umibig na paluwagan para sa kanya sa panustos sa kanya at antalaan para sa kanya sa taning niya ay magpanatili siya ng ugnayan sa kaanak niya."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 5986]

Ang pagpapaliwanag

Humihimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpapanatili ng ugnayan sa mga kamag-anak sa pamamagitan ng pagbisita, pagpaparangal na pisikal at pampananalapi, at iba pa rito. Ito ay isang kadahilanan sa pagluwag ng panustos at paghaba ng buhay.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka الفولانية Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kaanak ay ang mga kamag-anak mula sa panig ng ama at ina. Sa tuwing ito ay naging higit na malapit, ito ay naging higit na marapat sa pagpapanatili ng ugnayan.
  2. Ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain. Kaya ang sinumang nagpanatili ng ugnayan sa kaanak niya sa pamamagitan ng pagsasamabuting-loob at paggawa ng maganda, magpapanatili si Allāh sa buhay niya at panustos sa kanya.
  3. Ang pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak ay isang kadahilanan para sa pagpapaluwag ng panustos at pagpapalawak nito at isang kadahilanan para sa paghaba ng buhay. Kung ang yugto ng buhay at ang panustos ay naging limitado, gayon pa man maaaring magkaroon ng isang pagpapala sa panustos at buhay. Kaya nakagagawa ang tao sa buhay niya ng higit na marami at higit na kapaki-pakinabang kaysa sa ginagawa ng iba sa kanya. Sinabi na ang karagdagan sa panustos at haba ng buhay ay isang tunay na karagdagan. Si Allāh ay higit na maalam.