عَنْ أَبِي الدَّرْدَاءِ رضي الله عنه أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«مَا شَيْءٌ أَثْقَلُ فِي مِيزَانِ الْمُؤْمِنِ يَوْمَ القِيَامَةِ مِنْ خُلُقٍ حَسَنٍ، وَإِنَّ اللَّهَ لَيُبْغِضُ الفَاحِشَ البَذِيءَ».

[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي] - [سنن الترمذي: 2002]
المزيــد ...

Ayon kay Abu Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Walang anuman na higit na mabigat sa timbangan ng mananampalataya sa Araw ng Pagbangon kaysa sa magandang kaasalan. Tunay na si Allāh ay namumuhi sa mahalay na bastos."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām At-Tirmidhīy] - [Sunan At-Tirmidhīy - 2002]

Ang Pagbibigay-linaw

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamabigat na nasa timbangan ng mananampalataya sa Araw ng Pagbangon kabilang sa mga ginagawa at mga sinasabi ay ang kagandahan ng kaasalan. Iyon ay sa pamamagitan ng kaaliwalasan ng mukha, pagpigil ng perhuwisyo, at pagkakaloob ng nakabubuti. Si Allāh (malugod si Allāh sa kanya) ay namumuhi sa pangit sa ginagawa ng tao at sinasabi nito at sa bastos sa binibigkas ng dila nito.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang kalamangan ng kagandahan ng kaasalan dahil ito ay nagsasanhi para sa tagapagtaglay nito ng pag-ibig ni Allāh at pag-ibig ng mga lingkod Niya. Ito ay ang pinakamabigat na titimbangin sa Araw ng Pagbangon.
Ang Paglalahad ng mga Salin
Ang Wika: الإنجليزية الأوردية الإسبانية Ang Karagdagan (56)