عَنِ ابْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«لاَ يَنْظُرُ اللَّهُ إِلَى مَنْ جَرَّ ثَوْبَهُ خُيَلاَءَ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 5783]
المزيــد ...
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Hindi titingin si Allāh sa sinumang kumakaladkad ng kasuutan niya dala ng kapalaluan."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 5783]
Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa paglalaylay ng kasuutan o tapis sa ibaba ng bukungbukong dala ng kapalaluan at dala ng pagmamalaki at na ang sinumang gumawa niyon ay naging karapat-dapat sa matinding banta na hindi titingin si Allāh sa kanya sa Araw ng Pagbangon nang isang pagtingin ng pagkaawa.