عن حذيفة رضي الله عنه قال: سمعت النبي صلى الله عليه وسلم يقول:
«لَا يَدْخُلُ الْجَنَّةَ قَتَّاتٌ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 6056]
المزيــد ...
Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Walang papasok sa Paraiso na isang palasabi-sabi."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 6056]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang palatsismis na naglilipat ng salita sa mga tao nang may pakay na makapanira sa pagitan nila ay karapat-dapat sa parusa sa pamamagitan ng hindi pagpasok sa Paraiso.