عَنْ أَبِي مُوسَى رضي الله عنه عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«إِنَّمَا مَثَلُ الْجَلِيسِ الصَّالِحِ وَالْجَلِيسِ السَّوْءِ كَحَامِلِ الْمِسْكِ وَنَافِخِ الْكِيرِ، فَحَامِلُ الْمِسْكِ: إِمَّا أَنْ يُحْذِيَكَ، وَإِمَّا أَنْ تَبْتَاعَ مِنْهُ، وَإِمَّا أَنْ تَجِدَ مِنْهُ رِيحًا طَيِّبَةً، وَنَافِخُ الْكِيرِ: إِمَّا أَنْ يُحْرِقَ ثِيَابَكَ، وَإِمَّا أَنْ تَجِدَ رِيحًا خَبِيثَةً».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 2628]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang paghahalintulad lamang sa kapisang maayos at kapisan ng kasagwaan ay gaya ng tagalako ng pabangong musk at tagaihip ng bubulusan. Ang tagalako ng musk ay maaari na mag-aginaldo sa iyo, maaari na bumili ka mula sa kanya, at maaari na makaamoy ka mula sa kanya ng isang kaaya-ayang halimuyak samantalang ang tagaihip ng bubulusan ay maaari na makasunog ng mga damit mo at maaari na makaamoy ka ng isang karima-rimarim na halimuyak."}
[Tumpak] - [Nagkasang-ayon sa katumpakan nito] - [Ṣaḥīḥ Muslim - 2628]
Naglahad ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng paghahalintulad ng dalawang uri ng mga tao:
Ang Unang Uri: Ang kapisan at kaibigang maayos na gumagabay tungo kay Allāh at sa anumang naroon ang pagkalugod Niya at tumutulong sa pagtalima. Kaya ang paghahalintulad sa kanya ay gaya ng tagapagtinda ng musk: maaari na magbigay sa iyo, maaari na makabili ka mula sa kanya, at maaari na makaamoy ka at makasamyo ka mula sa kanya ng isang kaaya-ayang halimuyak.
Ang Ikalawang Uri: Ang kapisan at kaibigan sa kasagwaan na bumabalakid sa landas ni Allāh at tumutulong sa paggawa ng mga pagsuway. Makakikita ka mula sa kanya ng pangit na gawain at papatungkol sa iyo ang pagpula dahil sa pakikisama at pakikipisan sa tulad niya. Kaya ang paghahalintulad sa kanya ay gaya ng panday na umiihip ng apoy niya: maaari na masunog ang mga damit mo mula sa nagliliparang tilamsik nito o makaamoy ka mula sa malapit sa kanya ng isang karimarimarim na halimuyak.