عن أنس بن مالك رضي الله عنه قال: كان أخوانِ على عهد النبي صلى الله عليه وسلم وكان أحدُهما يأتي النبي صلى الله عليه وسلم والآخر يَحتَرِف، فَشَكَا الُمحتَرِف أَخَاه للنبي صلى الله عليه وسلم فقال: «لعَلَّك تُرزَقُ بِهِ».
[صحيح] - [رواه الترمذي]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-siya ay nagsabi: Mayroon dalawang magkapatid sa panahon ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang isa ay dumarating sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang ang ikalawa ay naghahanapbuhay,isinumbong ng naghahanap-buhay ang kapatid niya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at Sinabi [ng Propeta]: ((Marahil ikaw ay nabibiyayaan dahil sa kanya))
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]
Isinasalaysay ni Anas-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: Mayroon dalawang magkapatid sa panahon ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ang isa sa kanila ay dumarating sa pinagtitipunan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagpapanatili siya rito upang makapagkamit ng kaalaman niya at makakuha ng mga salita at gawa niya.At ang ikalawa,ay naghahanap-buhay ng industriya at naghahanap ng makikitaan,Isinumbong ng naghahanap-buhay ang kapatid niya dahil sa pag-iwan niya ng paghahanap-buhay,sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya na may [halong] pagtawa sa kanya: Marahil ,ang pagganap mo sa gawain niya,ang siyang dahilan kaya nagiging magaan ang biyaya mo,sapagkat si Allah ay tumutulong sa kanyang alipin,hanggat ang alipin ay tumutulong sa kapatid nito.