عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بنِ مَسْعُودٍ رضي الله عنه أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«سِبَابُ المُسْلِمِ فُسُوقٌ، وَقِتَالُهُ كُفْرٌ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 48]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang pang-aalipusta sa Muslim ay kasuwailan at ang pakikipaglaban sa kanya ay kawalang-pananampalataya."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 48]
Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Muslim na manghamak siya at mag-alipusta siya sa kapwa niya Muslim, na iyon ay bahagi ng kasuwailan, ang paglabas sa pagtalima kay Allāh at sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan), at na ang pakikipaglaban ng Muslim sa kapwa niya Muslim ay kabilang sa mga gawaing pangkawalang-pananampalataya subalit ito ay isang maliit na kawalang-pananampalataya.