عَنْ أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«الدُّعَاءُ لاَ يُرَدُّ بَيْنَ الأَذَانِ وَالإِقَامَةِ».
[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي والنسائي] - [سنن الترمذي: 212]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang panalangin ay hindi tinatanggihan sa pagitan ng adhān at iqāmah."}
[Tumpak] - - [سنن الترمذي - 212]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kainaman ng panalangin sa pagitan ng adhān at iqāmah, na ito ay hindi tinatanggihan at marapat sa pagsagot, kaya naman dumalangin kayo kay Allāh dito.