عن أبي موسى الأشعري رضي الله عنه كان النبي صلى الله عليه وسلم إذا أتاه طالب حاجة أقبل على جُلسائِه، فقال: «اشْفَعُوا تُؤجَرُوا، ويَقْضِي الله على لسانِ نَبِيِّه ما أحب». وفي رواية: «ما شاء».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Mūsā, malugod si Allah sa kanya: "Ang Propeta noon, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag pinuntahan siya ng isang naghahanap ng pangangailangan, ay bumabaling sa mga katabi niya at nagsasabi: Mamagitan kayo, gagantimpalaan kayo; at itinatakda ni Allah sa dila ng propeta Niya ang inibig Niya." Sa isang sanaysay: "ang niloob niya."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang ḥadīth na ito ay naglalaman ng malaking prinsipyo at dakilang kapakinabangan: nararapat sa tao na magsikap sa paggawa ng mga mabuting bagay, magbunga man ang mga layon nito at mga resulta nito o nakamit ang ilan sa mga ito o walang nangyaring anuman sa mga ito. Iyon ay gaya ng pamamagitan sa mga may pangangailangan sa harap ng mga hari, malalaking tao, at mga taong nakakapit sa mga ito ang mga pangangailangan nila. Tunay na ang maraming tao ay nagpipigil na magsikap para mamagitan kapag hindi nakatiyak sa pagtanggap ng pamamagitan, kaya naman pinakakawalan nila para sa mga sarili nila ang maraming kabutihan mula kay Allah at ang nakabubuti sa kapatid niyang Muslim. Kaya dahil dito, ipinag-utos ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa mga kasamahan niya na tulungan ang mga may pangangailangan sa pamamagitan ng pamamagitan para sa kanila sa harap niya upang mapabilis niya ang gantimpala mula kay Allah batay sa sabi niya: "Mamagitan kayo, gagantimpalaan kayo." Tunay na ang magandang pamamagitan ay kaibig-ibig kay Allah at kalugud-lugod sa Kanya. Nagsabi Siya, pagkataas-taas Niya: "Ang sinumang mamagitan ng isang magandang pamamagitan ay magkakaroon siya ng isang bahagi sa gantimpala mula roon," (Qur'an 4: 85) Kalakip ng pagpapabilis niya sa kasalukuyang gantimpala, pinabibilis niya ang pagmamagandang-loob at ang paggawa ng nakabubuti sa kapatid niya. Magkakaroon siya sa pamamagitan niyon ng impluwensiya sa kanya. Gayon din, kaya marahil ang pamamagitan niya ay magiging isang dahilan sa pagkamit ng ninanais niyon na ipinamagitan niya o bahagi nito, na siyang nangyayari. Ang pagsisikap sa paggawa ng mga mabuting bagay at nakabubuti na may posibilidad na matamo o hindi matamo ay isang agarang kabutihan, isang pagpapahirati sa mga kaluluwa sa pagtulong para sa kabutihan, at isang paghahanda sa pagsasagawa ng mga pamamagitan na naisasakatuparan o naiisip na tatanggapin ang mga ito. Ang sabi niya: "at itinatakda ni Allah sa dila ng propeta Niya ang niloob Niya." ay nangangahulugang ang ninais Niya batay sa nauna sa kaalaman Niya na pangyayari ng isang bagay at pagtamo nito o kawalan nito. Ang hinihiling ay ang pamamagitan. Ang gantimpala ay naihanda na para roon, natamo man ang ipinamamagitan o nagkaroon ng isang pumipigil sa pagtamo niyon.