عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«أَيُحِبُّ أَحَدُكُمْ إِذَا رَجَعَ إِلَى أَهْلِهِ أَنْ يَجِدَ فِيهِ ثَلَاثَ خَلِفَاتٍ عِظَامٍ سِمَانٍ؟» قُلْنَا: نَعَمْ. قَالَ: «فَثَلَاثُ آيَاتٍ يَقْرَأُ بِهِنَّ أَحَدُكُمْ فِي صَلَاتِهِ خَيْرٌ لَهُ مِنْ ثَلَاثِ خَلِفَاتٍ عِظَامٍ سِمَانٍ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 802]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Nakaiibig ba ang isa sa inyo, kapag bumalik sa mag-anak niya, na makatagpo siya roon ng tatlong kamelyong buntis na damulag na matataba?" Nagsabi kami: "Opo." Nagsabi siya: "Tatlong talata na bumibigkas ng mga ito ang isa sa inyo sa dasal niya ay higit na mabuti kaysa sa tatlong kamelyong buntis na damulag na matataba."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 802]
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pabuya sa pagbigkas ng tatlong āyah sa ṣalāh ay higit na mabuti kaysa sa makatagpo ang tao sa bahay nito ng tatlong kamelyong buntis na damulag na matataba.