+ -

عن عمر بن الخطاب رضي الله عنه قال: إنه سمع نبي الله صلى الله عليه وسلم يقول:
«لَو أَنَّكُمْ تَتَوَكَّلُونَ عَلَى اللهِ حَقَّ تَوَكُّلِهِ، لَرَزَقَكُمْ كَمَا يَرْزُقُ الطَّيْرَ، تَغْدُو خِمَاصًا وَتَرُوحُ بِطَانًا».

[صحيح] - [رواه الترمذي وابن ماجه وأحمد] - [مسند أحمد: 205]
المزيــد ...

Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tunay na siya ay nakarinig sa Propeta ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Kung sakali na kayo ay nananalig kay Allāh nang totoong pananalig sa Kanya, talaga sanang tumustos Siya sa inyo gaya ng pagtustos Niya sa mga ibon: umaalis ang mga ito sa umaga na impis at bumabalik ang mga ito sa hapon na bundat."}

[Tumpak] - - [مسند أحمد - 205]

Ang pagpapaliwanag

Humihimok sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sumandal tayo kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa paghatak ng mga kapakinabangan at sa pagtulak ng mga kapinsalaan kaugnay sa mga nauukol sa Mundo at Relihiyon sapagkat tunay na walang nagbibigay, walang nagkakait, walang nakapipinsala, at walang nagpapakinabang kundi si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya). Hinihimok tayo na gawin natin ang mga kadahilanan na humahatak sa mga kapakinabangan at nagtutulak ng mga kapinsalaan kasabay ng katapatan ng pagsandal kay Allāh. Kaya kapag gumawa tayo niyon, magtutustos sa atin si Allāh gaya ng pagtustos Niya sa mga ibon na lumalabas sa umaga habang ang mga ito ay mga gutom pagkatapos umuuwi ang mga ito sa hapon habang ang mga ito ay mga napuno ang mga tiyan. Ang gawaing ito mula sa mga ibon ay isang uri ng mga kadahilanan sa pagpupunyagi sa paghahanap ng panustos nang walang pagsasalig-saligan at pagtatamad-tamaran.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kainaman ng pananalig at na ito ay kabilang sa pinakadakila sa mga kadahilanan na naipantatamo ng panustos.
  2. Ang pananalig ay hindi nakikisalungatan sa paggawa ng mga kadahilanan sapagkat tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpabatid na ang pananalig na tunay ay hindi kumukontra rito ang pag-alis sa umaga at ang pag-uwi sa gabi sa paghahanap ng panustos.
  3. Ang pagpapahalaga ng Batas ng Islām sa mga gawain ng mga puso dahil ang pananalig ay gawaing pampuso.
  4. Ang pagkapit sa mga kadahilanan lamang ay isang kakulangan sa Relihiyon at ang pagwaksi ng mga kadahilanan ay isang kakulangan sa isip.