عن معن بن يزيد بن الأخنس رضي الله عنهم قال: كان أبي يزيدُ أَخْرجَ دَنَانِيرَ يتصدقُ بها، فوضعها عند رجلٍ في المسجدِ، فجِئْتُ فأخذتُها فأَتَيْتُهُ بها، فقال: واللهِ، ما إيَّاكَ أردتُ، فخَاصَمْتُهُ إلى رسولِ اللهِ صلى الله عليه وسلم فقال: «لكَ ما نويتَ يا يزيدُ، ولك ما أخذتَ يا معنُ».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Ma`n bin Yazīd bin Al-Akhnas, malugod si Allāh sa kanila, ang ama kong si Yazīd noon ay naglaan ng mga dinar na ipinangkakawanggawa niya. Inilagay niya ang mga ito sa pag-iingat ng isang lalaki sa masjid. Pinuntahan ko, kinuha ko ang mga ito, at dinala ko ang mga ito. Nagsabi siya: "Sumpa man kay Allāh, hindi sa iyo ko ninais." Kaya idinaing ko siya sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi siya: "Ukol sa iyo ang nilayon mo, o Yazīd; at ukol sa iyo ang kinuha mo, o Ma`n."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Naglaan si Yazīd bin Al-Akhnas ng mga salapi sa pag-iingat ng isang lalaki sa masjid upang ikawanggawa ang mga ito sa mga maralita. Dumating ang anak niyang si Ma`n at kinuha ito at nagsabi ito roon: "Hindi ko ninais na magkawanggawa ng mga salaping ito sa iyo." Kaya pumunta silang dalawa sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, upang magpahatol. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ukol sa iyo, o Yazīd, ang nilayon mo dahil ikaw ay nagparating ng kawanggawa sa isa sa mga mahirap ng mga Muslim kaya naman naging nauukol para sa iyo ang gantimpala dahil sa layunin mo at para sa iyo, o Ma`n, ang kinuha mo dahil ikaw ay kumuha niyon sa paraang tumpak." Ang anak niya noon ay naging kabilang sa mga karapat-dapat sa kawanggawang ito.