عَنْ أَنَسٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قالَ:
«لاَ يُؤْمِنُ أَحَدُكُمْ، حَتَّى يُحِبَّ لِأَخِيهِ مَا يُحِبُّ لِنَفْسِهِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 13]
المزيــد ...
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ibigin niya para sa kapatid niya ang iniibig niya para sa sarili niya."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 13]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na hindi naisasakatotohanan ang kumpletong pananampalataya para sa isa sa mga Muslim hanggang sa ibigin niya para sa kapatid niya ang iniibig niya para sa sarili niya na mga pagtalima at mga uri ng mga kabutihan sa buhay panrelihiyon at buhay pangmundo at kasuklaman niya para rito ang kinasusuklaman niya para sa sarili niya. Kaya kung nakakita siya sa kapatid niyang Muslim ng isang kakulangan sa buhay panrelihiyon nito, magsusumikap siya na magsaayos nito; at kung nakakita siya rito ng isang kabutihan, magtatama siya rito, tutulong siya rito, at magpapayo siya rito kaugnay sa nauukol sa buhay panrelihiyon nito o buhay pangmundo nito.