عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ بُسْرٍ رضي الله عنه أَنَّ رَجُلاً قَالَ: يَا رَسُولَ اللهِ إِنَّ شَرَائِعَ الإِسْلاَمِ قَدْ كَثُرَتْ عَلَيَّ، فَأَخْبِرْنِي بِشَيْءٍ أَتَشَبَّثُ بِهِ، قَالَ:
«لاَ يَزَالُ لِسَانُكَ رَطْبًا مِنْ ذِكْرِ اللَّهِ».
[صحيح] - [رواه الترمذي وابن ماجه وأحمد] - [سنن الترمذي: 3375]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin Busr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May isang lalaking nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang mga batas ng islam ay dumami nga sa akin, kaya magpabatid ka sa akin ng isang bagay na panghahawakan ko." Nagsabi siya:
"Hindi matitigil ang dila mo na basa dahil sa pag-alaala kay Allāh."}
[Tumpak] - - [سنن الترمذي - 3375]
May dumaing na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga kinukusang-loob sa mga pagsamba ay dumami nga sa kanya hanggang sa nawalang-kakayahan siya sa mga ito dahil sa kahinaan niya. Pagkatapos tinanong niya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na gabayan siya sa isang gawaing madali na hahatak sa maraming gantimpala, na kakapitan niya at hahawakan niya.
Kaya gumabay sa kanya ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na ang dila niya ay maging basa, na gumagalaw-galaw sa pagpapalagi sa pag-aalaala kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) sa bawat oras at kalagayan sa pagsambit ng tasbīḥ, taḥmīd, istighfār, panalangin, at tulad niyon.