عن أنس رضي الله عنه قال: خطَّ النبيُّ صلى الله عليه وسلم خُطُوطاً، فقال: "هذا الإنسان، وهذا أجَلُهُ، فبينَما هو كذلكَ إذ جاءَ الخَطُّ الأقْرَبُ".
عن ابن مسعود رضي الله عنه قال: خطَّ النبيُّ صلى الله عليه وسلم خطاً مربعاً، وخطَّ خطاً في الوسطِ خارجاً منه، وخطَّ خططاً صغاراً إلى هذا الذي في الوسطِ من جانبِه الذي في الوسطِ، فقال: «هذا الإنسانُ، وهذا أجلُهُ محيطاً بِه -أو قد أحاطَ بِه- وهذا الذي هو خارجٌ أملُهُ، وهذه الخُطَطُ الصِّغَارُ الأعْرَاضُ، فإن أخطَأهُ هذا، نَهَشَهُ هذا، وإن أخطَأهُ هذا، نَهَشَهُ هذا».
[صحيحان] - [حديث أنس: رواه البخاري ولفظه في البخاري: "هذا الأمل"، بدل: "هذا الإنسان".
حديث ابن مسعود: رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Gumuhit ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng mga guhit at nagsabi: 'Ito ang tao at ito ang taning niya at habang siya ay ganoon, dumating na pala ang guhit na pinakamalapit.'" Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Gumuhit ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang guhit na parisukat. Gumuhit siya ng isang guhit sa gitna palabas mula rito. Gumuhit siya ng mga guhit na maliliit papunta sa [guhit] na ito sa gitna sa gilid nito na nasa gitna. Nagsabi siya: 'Ito ang tao at ito ang taning niyang pumapaligid sa kanya o nakapaligid na sa kanya. Itong palabas ay ang pag-asa niya. Itong mga guhit na maliliit ay ang mga kasawian. Kung nagmintis sa kanya ang isang ito, tutuklawin siya ng isang iyan. Kung nagmintis sa kanya ang isang ito, tutuklawin siya ng isang iyan."
[Tumpak sa dalawang salaysay nito] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Sa ḥadīth ay may nasaad na halimbawa ng pag-asa ng tao, taning niya, mga kasawiang kakaharapin niya, at kamatayan niya sa pagsapit ng isa sa mga kasawian. Kapag naligtas siya sa isa sa mga ito, pupuntahan naman siya ng kamatayan sa pagwawakas ng taning niya. Ang mga guhit na ito ay ang mga kapahamakang humaharap sa kanya. Kung nakaligtas siya sa isang ito, hindi siya makaliligtas sa isang iyan. Kung nakaligtas siya sa lahat at hindi siya dinapuan ng kapahamakang gaya ng sakit o pagkawala ng ari-arian o iba pa, gugulatin naman siya ng taning. Ang buod: Tunay na ang sinumang hindi namatay dahil sa kadahilanan, mamatay dahil sa taning. Kaya habang ang tao ay gayon sa mga kapahamakang ito, "dumating na pala ang guhit na pinakamalapit." Ito ang taning. Mayroon itong pahiwatig sa paghimok sa paglilimita sa pag-asa at paghahanda sa pambibigla ng taning. Nagpahayag siya gamit ang "tuklaw," ang kagat ng may kamandag, bilang pagpapalabis sa pagdapo ng kapahamakan at sa pagpapasawi.