عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ مَسْعُودٍ رضي الله عنه قَالَ: سَمِعْتُ النَّبِيَّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«نَضَّرَ اللَّهُ امْرَأً سَمِعَ مِنَّا شَيْئًا فَبَلَّغَهُ كَمَا سَمِعَ، فَرُبَّ مُبَلِّغٍ أَوْعَى مِنْ سَامِعٍ».
[صحيح] - [رواه الترمذي وابن ماجه وأحمد] - [سنن الترمذي: 2657]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Magpaningning si Allāh sa isang taong nakarinig mula sa amin ng isang bagay saka nagpaabot nito kung paanong narinig niya sapagkat marahil may isang pinagpaparatingang higit na nakamamalay kaysa sa isang nakarinig."}
[Tumpak] - - [سنن الترمذي - 2657]
Dumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kaningningan, karilagan, at kagandahan sa Mundo at na magparating si Allāh sa ningning ng Paraiso, kaginhawahan doon, at kaningningan niyon sa Kabilang-buhay sa sinumang nakarinig ng ḥadīth niya saka nagsaulo nito nang sa gayon magpaabot nito sa iba sapagkat marahil ang pinagpapaabutan ng ḥadīth ay higit na nakamamalay, higit na nakauunawa, at higit na nakakakaya sa paghulo kaysa sa tagapagpaabot ng ḥadīth kaya ang una ay magiging nagpapakahusay sa pagsasaulo at pagpapaabot at ang ikalawa ay magiging nagpakahusay sa pag-intindi at paghulo.