عن طارق بن أشيم الأشجعي رضي الله عنه قال: سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول:
«مَنْ قَالَ: لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ، وَكَفَرَ بِمَا يُعْبَدُ مِنْ دُونِ اللهِ حَرُمَ مَالُهُ وَدَمُهُ، وَحِسَابُهُ عَلَى اللهِ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 23]
المزيــد ...
Ayon kay Ṭāriq bin Ashyam Al-Ashja`īy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Ang sinumang nagsabi na walang Diyos kundi si Allāh at tumangging sumampalataya sa anumang sinasamba bukod pa kay Allāh, ipinagbabawal lapastangin ang yaman niya at ang buhay niya at ang pagtutuos sa kanya ay nasa kay Allāh."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 23]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi at sumasaksi sa pamamagitan ng dila niya na walang Diyos kundi si Allāh – na nangangahulugang walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh – at tumangging sumampalataya sa anumang sinasamba bukod pa kay Allāh at nagpakawalang-kaugnayan sa lahat ng mga relihiyong iba pa sa Islām, ipinagbabawal ngang lapastangin ng mga Muslim ang yaman niya at ang buhay niya. Walang pagbabatayan para sa atin kundi ang panlabas sa gawain niya. Kaya hindi kakamkamin ang yaman niya at hindi padadanakin ang dugo niya, malibang kapag nakagawa siya ng isang krimen o isang paglabag na nag-oobliga niyon alinsunod sa mga patakaran ng Islām.
Si Allāh ay magbabalikat ng pagtutuos sa kanya sa Araw ng Pagbangon. Kaya kung siya ay naging tapat, gagantimpalaan siya; at kung siya naman ay naging mapagpaimbabaw, pagdurusahin siya.