+ -

عن رويفع قال: قال لي رسول الله صلى الله عليه وسلم : "يا رُوَيْفِعُ، لعل الحياة ستطول بك فأخبر الناس أن من عَقَدَ لِحْيَتَهُ، أو تَقَلَّدَ وَتَرًا، أو اسْتَنْجَى برَجِيعِ دابة أو عَظْمٍ، فإن محمدًا بريءٌ منه".
[صحيح] - [رواه أبو داود والنسائي وأحمد]
المزيــد ...

Ayon kay Ruwayfi`siya ay nagsabi:Sinabi sa akin ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: " O Ruwayfi`,marahil ay hahaba ang iyong buhay,Ipaalam mo sa mga tao na sinuman ang tumali ng kanyang balbas,o magsuot ng kwintas bilang panangga,o gumamit ng mga dumi ng hayop o buto-buto bilang panlinis sa [pagdudumi o pag-ihi] ,katotohanang si Propeta Muhammad ay walang pananagutan rito"
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

Ang pagpapaliwanag

Ipinapaalam niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ang kasamahan niyang ito ay hahaba ang kanyang buhay at maabutan niya ang mga taong lumalabag sa patnubay niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa balbas, kung saan ay pinaparami ito at iginagalang papunta sa pagpapawalang bahala rito,sa paraang ginagaya nila rito ang mga hindi arabo o mga taong masasagana at marangya.o sumusuway sila sa paniniwala sa Kaisahan ng Diyos,sa pamamagitan ng paggamit ng mga pamamaraan ng pagtatambal,nagsusuot sila ng mga kwintas o isinasabit nila ito sa kanilang mga hayop.ginagamit nila ito para ipagtanggol sila sa mga nakakapinsala.At ginagawa nila ang mga bagay na ipinagbawal sa kanila ng kanilang mahal na Propeta,tulad ng paglilinis [mula sa pagdudumi at pag-ihi] gamit ang mga dumi ng hayop at buto-buto.Ipinagbilin ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kasama nito na iparating sa Ummah,na ang Propeta niya ay walang pananagutan sa sinumang gumawa ng mga bagay na ito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan