عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«لَا تَدْخُلُونَ الْجَنَّةَ حَتَّى تُؤْمِنُوا، وَلَا تُؤْمِنُوا حَتَّى تَحَابُّوا، أَوَلَا أَدُلُّكُمْ عَلَى شَيْءٍ إِذَا فَعَلْتُمُوهُ تَحَابَبْتُمْ؟ أَفْشُوا السَّلَامَ بَيْنَكُمْ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 54]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Hindi kayo papasok sa Paraiso hanggang sa sumampalataya kayo at hindi kayo sumampalataya hanggang sa mag-ibigan kayo. Hindi ba ako magtuturo sa inyo ng isang bagay na kapag ginawa ninyo ito ay mag-iibigan kayo? Ipalaganap ninyo ang [pagbati ng] salām sa pagitan ninyo."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 54]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang papasok sa Paraiso kundi ang mga mananampalataya at hindi nakukumpleto ang pananampalataya at hindi umaayos ang kalagayan ng lipunang Muslim hanggang sa umibig ang isa't isa sa kanila. Pagkatapos gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungo sa pinakamainam sa mga bagay-bagay na sa pamamagitan ng mga ito iiral sa lahat ang pag-ibig. Ito ay ang pagpapalaganap ng pagbati ng salām sa pagitan ng mga Muslim, na ginawa ni Allāh bilang pagbati ng mga lingkod Niya.