+ -

عَنْ أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«مَنْ عَالَ جَارِيَتَيْنِ حَتَّى تَبْلُغَا جَاءَ يَوْمَ الْقِيَامَةِ أَنَا وَهُوَ» وَضَمَّ أَصَابِعَهُ.

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2631]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang sinumang nagtaguyod ng dalawang batang babae hanggang sa nahustong gulang silang dalawa, darating sa Araw ng Pagbangon ako at siya." Nagdikit siya ng mga daliri niya.}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2631]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nabiyayaan ng dalawang babaing anak o dalawang babaing kapatid saka nag-aruga siya sa kanilang dalawa sa pamamagitan ng pagtustos, pag-aalaga, pagpapanuto sa kabutihan, pagbibigay-babala laban sa kasamaan, at tulad niyon hanggang sa lumaki silang dalawa at nagdalaga, darating sa Araw ng Pagbangon siya at ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) gaya ng dalawang ito. Ipinagdikit niya ang mga daliri niya: ang hintuturo at ang hinlalato.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang dakilang gantimpala para sa sinumang nag-aruga ng mga babaing anak sa pamamagitan ng pagtustos at pag-aalaga hanggang sa makapag-asawa sila o magdalaga sila. Gayon din sa mga babaing kapatid.
  2. Ang pabuya sa pag-aaruga sa mga babaing anak ay higit na mabigat kaysa sa pabuya sa mga lalaking anak yayamang hindi nabanggit ang tulad niyon sa panig ng mga lalaking anak. Iyon ay dahil ang pagtustos sa mga babaing anak at ang pagpapahalaga sa mga nauukol sa kanila ay higit na dakila kaysa sa mga nauukol sa mga lalaking anak dahil ang mga babaing anak ay mga `awrah (kailangang balutin) na hindi nagsasagawa ng mga nauukol sa kanila at hindi namamalakad gaya ng pamamalakad ng mga lalaking anak. Gayon din, dahil ang mga anak na babae ay hindi nauugnay sa kanila ang pagmimithi ng ama sa pagpapalakas laban sa mga kaaway, pagbibigay-buhay sa pangalan niya, pagpapatuloy ng kaangkanan niya, at iba pa roon, kung paanong nauugnay sa lalaking anak. Kaya kinailangan doon ang pagtitiis at ang pagpapakawagas ng tagapaggugol sa kanila kasabay ng kagandahan ng layunin kaya bumigat ang pabuya, saka siya ay magiging kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Araw ng Pagbangon.
  3. Ang mga palatandaan ng pagdadalaga ng babae ay ang makalubos ng 15 taon o ang magregla kahit pa bago tumuntong ng 15 taon o ang tubuan ng `āna, ang buhok sa paligid ng ari, o ang dumanas ng wet dream, na paglabas sa ari ng likidong seksuwal habang natutulog.
  4. Nagsabi si Imām Al-Qurṭubīy: Tumutukoy ito sa pagdadalaga nilang dalawa at pagkaabot nilang dalawa sa kalagayang makapagsasarili sila sa pamamagitan ng mga sarili nila. Iyon lamang ay magiging nasa mga babae hanggang sa makipamuhay sa kanila ang mga asawa nila. Kaya hindi tumutukoy ito sa pagkaabot nilang dalawa sa pagreregla at taklīf (pagkakaatang ng tungkuling panrelihiyon) yayamang maaaring mag-asawa sila bago niyon, kaya magkakasya sa asawa sa halip ng pagtataguyod ng tagapag-aruga. Maaaring magregla ang babae habang siya ay hindi nakapagsasarili sa anuman sa mga kapakanan niya. Kung sakaling iniwan siya sa ganito ay talagang mapaririwara siya at masisira ang mga kalagayan niya. Bagkus siya sa ganitong kondisyon ay higit na marapat sa pangangalaga, pag-iingat, at tagapag-aruga sa kanya upang malubos ang pangangalaga sa kanya, kaya naman makaiibig ang tagapag-aruga na makapag-asawa ang babae. Batay sa kahulugang ito nagsabi ang mga maalam natin: Hindi naaalis ang tungkulin sa paggugol sa ama ng babae sa pagdadalaga nito, bagkus sa pakikipamuhay ng asawa rito.