+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: "لا عَدْوَى ولا طِيَرَة ولا هَامَةَ ولا صَفَرَ" أخرجاه. زاد مسلم "ولا نَوْءَ ولا غُولَ".
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Walang pagkahawa, walang [masamang pangitain sa] ibon, walang [masamang pangitain sa] kuwago, at walang [masamang pangitain sa buwan ng] Ṣafar." Itinala ito [nina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim] at nagdagdag si Imām Muslim: "walang [masama sa] yugto ng buwan, walang [panliligaw ng] maligno"
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Yayamang ang Panahon ng Kamangmangan ay namumutiktik sa dami ng mga pamahiin at mga haka-haka na hindi ibinabatay sa patunay, ninais ng Islām na ipagsanggalang ang mga tagasunod nito laban sa mga kabulaanang iyon. Minasama nito ang pinaniniwalaan noon ng mga Mushrik kaugnay sa mga bagay na nabanggit sa ḥadīth. Ang ilan sa mga ito ay pagkakaila sa kairalan nito sa orihinal na layon gaya ng masamang pangitain sa ibon. Ang iba naman ay pagkakaila sa epekto nito mismo dahil walang nagdudulot ng mga magandang gawa kundi si Allah at walang nagtataboy sa mga masagwang gawa kundi Siya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الدرية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga
Paglalahad ng mga salin