+ -

عن أنس رضي الله عنه : أن رجلين من أصحاب النبي صلى الله عليه وسلم خرجا من عند النبي صلى الله عليه وسلم في ليلة مظلمة ومعهما مثلُ المصباحين بين أيديهما، فلما افترقا، صار مع كل واحد منهما واحد حتى أتى أهله.
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya: "May dalawang lalaking kabilang sa mga kasamahan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na umalis mula sa kinaroroonan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa isang gabing madilim. May kasama silang dalawa tulad ng dalawang ilaw sa harapan nila. Noong naghiwalay sila, ang bawat isa sa kanilang dalawa ay may isang ilaw hanggang sa dumating ito sa mag-anak nito."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

Ang pagpapaliwanag

Sa marangal na hadith na ito ay may nasaad na isang hayag na himala para sa dalawang lalaking kabilang sa mga kasamahan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Nasaad sa ilan sa mga sanaysay ng hadith na silang dalawa ay sina `Abbād bin Bishr at Usayd bin Ḥuḍayr, malugod si Allah sa kanilang dalawa. Iyon ay dahil sa ang dalawang kapita-pitagang kasamahang ito ay kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa isang gabing may matinding dilim na hindi makakaya ng tao, sa kadalasan, na maglakad sa sandaling iyon nang mabilis. Pinarangalan sila ni Allah, pagkataas-taas Niya, ng isang nakamamanghang himala. Naglagay Siya sa harapan ng dalawa ng isang liwanag na nakawawangis ng liwanag ng ilaw na tumatanglaw sa kanilang dalawa sa daan na nilalakaran nila. Noong naghiwalay na ang dalawang kapita-pitagang kasamahang ito, ang bawat isa sa kanilang dalawa ay nagkaroon ng sariling tanglaw upang makarating ang bawat isa sa kanilang dalawa sa bahay niya nang may kadalian at katiwasayan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish
Paglalahad ng mga salin