+ -

عن عبد الله بن عمرو رضي الله عنهما قال: أقبَلَ رجل إلى نبي الله صلى الله عليه وسلم فقال: أُبَايِعُكَ على الهجرة والجهاد أَبْتَغِي الأجر من الله تعالى قال: «فَهَل لَكَ من وَالِدَيك أحد حيٌّ؟» قال: نعم، بل كلاهما، قال: «فتبتغي الأجر من الله تعالى؟» قال: نعم، قال: «فَارْجِع إلى وَالِدَيك، فَأَحْسِن صُحْبَتَهُمَا». وفي رواية لهما: جاء رجل إلى النبي صلى الله عليه وسلم فاستأذنه في الجهاد، فقال: «أَحَيٌّ والداك؟»، قال: نعم، قال: «فَفِيهِمَا فجاهد».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "May lumapit na isang lalaki sa Propeta ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi: 'Nagpapahayag ako ng katapatan sa iyo sa paglikas at pakikibaka. Nagmimithi ako ng kabayaran mula kay Allah, pagktaas-taas Niya.' Nagsabi siya: 'Mayroon ka ba sa mga magulang mo na isang isang buhay pa?' Nagsabi ito: 'Opo; bagkus kapuwa sila [buhay].' Nagsabi siya: 'Kaya nagmimithi ka ba ng kabayaran mula kay Allah, pagkataas-taas Niya?' Nagsabi ito: 'Opo.' Nagsabi siya: 'Kaya bumalik ka sa mga magulang mo at husayan mo ang pakikisama sa kanilang dalawa.'" Sa isang sanaysay tungkol sa kanilang dalawa: "May dumating na lalaki at nagpaalam ito sa kanya [na lumahok] sa Pakikibaka. Nagsabi siya: 'Buhay pa ba ang mga magulang mo?' Nagsabi ito: 'Opo.' Nagsabi siya: 'Kaya alang-alang sa kanila ay makibaka ka.'"
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

May dumating na lalaki sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagpapabatid ng pagnanais nito at pagkaibig nito sa pakikibaka at paglikas alang-alang sa landas ni Allah, pagkataas-taas Niya. Ang lalaking ito ay nag-iwan ng mga magulang niya. Nasaad sa sanaysay ni Abū Dāwud: "umiiyak [ang mga magulang]" dahil sa pangamba para sa kanya na baka masawi. Kaya tinanong ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Mayroon pa ba sa mga magulang mo na isang isang buhay pa?" Nagsabi ito: "Opo; bagkus kapuwa sila [buhay]." Nagsabi siya: "A nagmimithi ka ba ng kabayaran mula kay Allah, pagkataas-taas Niya?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya bumalik ka sa mga magulang mo at husayan mo ang pakikisama sa kanilang dalawa." Sa sanaysay ni Abū Dāwud: "Bumalik ka sa kanilang dalawa at patawanin mo silang dalawa gaya ng pagpapaiyak mo sa kanilang dalawa." Ibinalik siya ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa higit na karapat-dapat at higit na tungkulin sa panig niya at ito ay ang pagbalik sa mga magulang niya at ang pagpapahusay sa pakikisama sa kanilang dalawa sapagkat tunay na iyon ay bahagi ng pakikibaka sa sarili sa pagsasagawa ng paglilingkod sa kanilang dalawa, pagpapalugod sa kanilang dalawa, at pagtalima sa kanilang dalawa gaya ng nasaad sa sanaysay nina Imam Al-Bukhārīy at Imam Muslim: "Kaya alang-alang sa kanila ay makibaka ka." Tahasan ngang binanggit sa ibang ḥadīth na ang pagpapakabuti sa mga magulang, ang pagtalima sa kanila, at ang pagpapahusay ng pakikitungo sa kanila ay higit na mainam kaysa sa Pakikibaka alang-alang sa landas ni Allah gaya ng nasaad sa isang sanaysay ayon kay Ibnu `Amr, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi siya: "May dumating na lalaki sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagtanong ito sa kanya tungkol sa pinakamainam sa mga gawain. Nagsabi siya: "Ang pagdarasal." Nagsabi ito: "Pagkatapos ano pa po?" Nagsabi siya: "Ang pakikibaka." Nagsabi ito: "Ngunit tunay na mayroon akong mga magulang." Kaya nagsabi siya: "Ang pagpapakabuti sa mga magulang mo ay higit na mabuti." Itinala ito ni Ibnu Ḥibbān. Kaya nagpatunay nga ang ḥadīth na ito na ang pagpapakabuti sa mga magulang ay higit na mainam kaysa sa Pakikibaka, maliban kung ang Pakikibaka ay isang tungkuling pansarili sapagkat uunahin ito kaysa sa pagtalima sa kanilang dalawa dahil sa pagkapansarili nito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Portuges Swahili Tamil
Paglalahad ng mga salin