عَن أَبِي أُمَامَةَ قَالَ: حَدَّثَنِي عَمْرُو بْنُ عَبَسَةَ رضي الله عنه أَنَّهُ سَمِعَ النَّبِيَّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«أَقْرَبُ مَا يَكُونُ الرَّبُّ مِنَ العَبْدِ فِي جَوْفِ اللَّيْلِ الآخِرِ، فَإِنْ اسْتَطَعْتَ أَنْ تَكُونَ مِمَّنْ يَذْكُرُ اللَّهَ فِي تِلْكَ السَّاعَةِ فَكُنْ».
[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي والنسائي] - [سنن الترمذي: 3579]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Umāmah na nagsabi: {Nagsanaysay sa akin si `Amr bin `Abasah (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Ang pinakamalapit na [sandali ng] Panginoon mula sa lingkod ay sa kalaliman ng huling bahagi ng gabi. Kaya kung nakakaya mo na ikaw ay maging kabilang sa mga nag-aalaala kay Allāh sa oras na iyon, maging gayon ka."}
[Tumpak] - - [سنن الترمذي - 3579]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Panginoon (kaluwalhatian sa Kanya) ay higit na pinakamalapit mula sa lingkod sa huling ikatlong bahagi ng gabi. Kaya kung natapat ka o naitakda ka, O mananampalataya, na ikaw ay maging kabilang sa isang kabuuan ng mga nagpapakamananambang nagdarasal na nag-aalaalang nagbabalik-loob sa oras na ito, tunay na ito ay isang bagay na nararapat ang pagsamantala rito at ang pagsusumikap dito.