عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه:
أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ كَانَ يَقُولُ فِي سُجُودِهِ: «اللهُمَّ اغْفِرْ لِي ذَنْبِي كُلَّهُ دِقَّهُ، وَجِلَّهُ، وَأَوَّلَهُ وَآخِرَهُ وَعَلَانِيَتَهُ وَسِرَّهُ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 483]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya):
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa pagkapatirapa niya: "Allāhumma -ghfir lī dhambī kullahu: diqqahu wa-jillahu, wa-awwalahu wa-ākhirahu, wa-`alāniyatahu wa-sirrahu. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa pagkakasala ko sa lahat ng ito: kaliit-liitan nito at kalaki-lakihan nito, una nito at huli nito, at hayagan nito at lihim nito.)"}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 483]
Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dumadalangin sa pagkakapatirapa niya saka nagsasabi: "Allāhumma -ghfir lī dhambī (O Allāh, magpatawad Ka sa akin sa pagkakasala ko)" sa pamamagitan ng pagtatakip nito at magsanggalang Ka sa akin sa kahihinatnan nito kaya magpaumanhin Ka, magpalampas Ka, at magpasensiya Ka. "kullahu: (sa lahat ng ito:) Tumutukoy ako sa "diqqahu (kaliit-liitan nito)" maliit nito at kaunti nito. "jillahu (kalaki-lakihan nito) malaki nito at marami nito. "awwalahu (una nito)" unang pagkakasala. "ākhirahu (huli nito)" at anumang nasa pagitan ng dalawang ito. "`alāniyatahu wa-sirrahu. (hayagan nito at lihim nito.)" kabilang sa walang nakaaalam dito kundi Ikaw (kaluwalhatian sa Iyo).