عن أبي سعيد الخدري رضي الله عنه مرفوعاً: «إنَّ الشيطانَ قال: وعِزَّتِك يا رب، لا أَبرحُ أُغوي عبادَك ما دامت أرواحُهم في أجسادهم، قال الربُّ: وعِزَّتي وجَلالي لا أزال أغفرُ لهم ما استغفروني».
[حسن] - [رواه الإمام أحمد]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: Tunay na ang demonyo ay nagsabi: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, o Panginoon ko, hindi ako titigil sa pagliligaw ko sa mga lingkod Mo hanggat nananatili ang mga kaluluwa nila sa mga katawan nila." Nagsabi ang Panginoon: "Sumpa man sa kapangyarihan Ko at kapitaganan Ko, hindi Ako hihinto sa pagpapatawad Ko sa kanila hanggat humihingi sila ng tawad sa Akin."
[Maganda] - [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Tunay na ang demonyo ay nagsabi: "Sumpa man sa kapangyarihan Mo, o Panginoon ko, hindi ako titigil sa pagliligaw ko sa mga lingkod Mo hanggat nananatili ang mga kaluluwa nila sa mga katawan nila." Nangangahulugan ito: Sumumpa ang demonyo sa kapangyarihan ni Allah na siya ay hindi hihinto sa pagligaw sa mga tao sa buong buhay nila. "Nagsabi ang Panginoon: Sumpa man sa kapangyarihan Ko at kapitaganan Ko, hindi Ako hihinto sa pagpapatawad Ko sa kanila hanggat humihingi sila ng tawad sa Akin." Nangangahulugan ito: Kaya nagsabi ang Panginoon, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, bilang pagsagot sa kanya: "Sumpa man sa kapangyarihan Ko at kapitaganan Ko, hindi Ako hihinto sa pagpapatawad Ko sa kanila hanggat nanatili silang humihiling mula sa Akin ng kapatawaran sa mga pagkakasala nila."